Kabanata 29

1625 Words

Bahagya siyang natulala pero kalaunan nang matauhan ay agad din na tinanggal ang kamay ni Miguel sa baywang niya. Napalunok siya at agad tumalikod. Tiningnan niya ang unahan. Ang tamis-tamis nga naman ng mga salita ng mga lalaki. Mapait siyang napangiti sa kawalan. Minsan na rin siyang naloko ng matatamis na salita ni Treous. Nagtagal siya sa poder nito dahil inakala niyang mali lang ng iniisip ng iba dito. Pero tama nga ang mga iyon. Si Treous ay si Treous. Nilingon niya ulit si Miguel. Nakita niyang may hawak na itong flashlight ngayon. “Dito ako natutulog simula noong dumating tayo dito. May tent ako doon banda.” Inilawan nito ang hindi kalayuang banda kung saan hindi masiyadong matalahib. Napansin niya ang maliit na kubo na walang dingding sa unahan. Mahangin doon kaya't napakalam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD