Aaminin niyang nahirapan siya sa mga requirements para makapasok bilang katulong. Sino ba naman ang mag-aakalang dinaig pa sa pagiging pangulo ng bansa ang pagbusisi sa mga katulong ni Treous? Lalo na sa background niya. Mas focus sila sa background niya at lastly ay ang credibility niya o kung flexible siya pagdating sa mga gawain. Pero ngayon ay nakasakay na siya ng van at natatanaw na ang pamilyar na gate. Lumuwag-luwag na ang pakiramdam niya ngayo'ng nakapasok na siya. Parang maluluha siya habang papalapit sa lugar. Medyo nagulat pa ang butler nang mamukhaan siya. Pero wala siyang pakialam sa mga reaksyon ng mga nandoon. Ang importante ngayon ay nandito na siya at magtatrabaho na siya dito. Agad niyang sinuyod ng tingin ang buong mansyon. Nasaan kaya si Daniel ngayon? Kumusta na k

