Inilapag niya ang coffee nito sa table. Sinulyapan siya nito habang hawak nito ang iilang papel. Napaisip siya. Nasaan na kaya iyong babae nito kagabi? Nasa silid nito? Malamang na doon nito iyon patutulugin. Girlfriend ni Treous iyon kaya panigurado. “Kung wala ka nang kailangan aalis na ak-” “Ba't nagmamadali ka? Babalik ka ulit sa garden?” May iritasyon sa mga mata ni Treous nang sulyapan siya. Napakunot ang noo niya. Ano naman kung babalik nga siya doon o hindi? Ba't kung makapagtanong ito e parang ang laking kasalanan na ng mga pinanggagawa niya? Wala naman siyang ginagawang masama. “You really like entertaining boys, huh?” Nalilito siyang tinitigan ito. “Huh?” “May flavor of the day ka ba? Si Jepoy na naman ngayon?” Kalaunan ay na-gets niya ang ibig nitong sabihin. Napakuyom s

