Sunod-sunod na ang mga gabing hindi siya makatulog ng maayos dahil sa mga problemang iniisip. Dagdag sa problema niya ay ang mga ipagagawa pa lang sa kaniya ni Carrie. Pinagdarasal niyang sana hindi naman sagad sa buto ang mga ipagagawa nito sa kaniya. May takot siya sa babaeng iyon at alam niyang hindi talaga ito mapagkakatiwalaan. Nagpunta nga sila sa spa kinabukasan. Inaantok pa siya kaya noong isalang na siya ay nakatulog na siya. Sa pagod at puyat hindi niya na halos ininda ang waxing na ginawa sa kaniya. “Ikaw na ang bahala. Just make sure na suitable for tonight.” Narinig niya si Carrie kausap ang babaeng sa tingin niya siyang manager pa mismo sa spa. Halatang VIP si Carrie kaya inaasikaso sila ng ganoon. Maging buhok niya ay binago. Pina-straight ito at mas na-highlight ang s

