Hindi patungong mansion ang tinatahak ng sasakyan kundi sa ibang dereksyon. Saka niya lang napansin ang lugar nang huminto sila. Nasa daungan sila. “Anong gagawin na'tin dito?” Kinabahan agad siya. Bakit imbes na sa bahay ay dito siya dinala? Dumaan ang dila nito sa ibabang labi at iritadong binalingan siya. “Mas mabuti bang iniwan na lang kita sa club at makipagsayaw sa mga lalaking lalapit sa'yo doon? Is it better that way, huh, Salome?” Biglang dumako ang mata nito sa sout niya. Napamura ito. Nang tingnan niya ang sarili ay nalaman niyang halos lumuwa na ang dibdib niya. Nag-init ang pisngi niya at agad niyang inayos ang tela sa bandang dibdib. Napansin niya ang pag-igting ng panga nito habang hawak-hawak ang manibela. Hindi na siya nito halos matingnan at mukhang tensyunado. Pan

