“No, of course.” Tumawa ng bahagya si Leandro. Lumipat ang mabigat na tingin ni Reous sa kaniya. Umigting ang panga nito. Biglang nailang siya sa tingin na ibinigay ni Reous kaya't bumaling siya kay Leandro. “Uh, sa garden na tayo?” Tipid siyang ngumiti kay Leandro. Tumango lang siya kay Reous. Nauna na siya sa dalawa. Balak niya rin iwasan talaga ang awkwardness na dulot ng mga tingin ni Reous. Nakaakbay ito kay Suzette habang pinag-uusapan nila ang project. Nakalatag na rin ang output ng mismong building maging ang landscape. Nakita niya ang disenyo. Masasabi niyang maganda nga iyon. And that was the final output of this couple here. Tila iisang tao lang ang nagplano, they really understand each other's plan. Pumait ang pakiramdam niya sa reyalisasyong magkakasundo talaga ang dalaw

