WARNING SPG May tiwala siya sa mga kumikilos sa site ngayon kaya naisipan niyang mangabayo muna papunta sa dating lupain na tinirhan nila dati ni Daniel. Ang lote na kinatitirikan ng mismong dampa nila ng anak niya noon ay binili niya at ang mismong dampa nila dati ay pinaayos niya. Malaki ang naging papel sa buhay nila ng anak niya ang maliit na bahay. Doon lumaki si Daniel, doon sila bumuo ng magagandang ala-ala bago niya ulit nakita si Treous. “Woo!” Kinabig niya ang renda ng kabayo. Maingat siyang bumaba. Sumalubong sa kaniya ang katahimikan at ang mabining hangin sa paligid. May tanim nang mahogany ang gilid ng bahay. Iilang bulaklak, bakod na kawayan at malinis ang paligid. Ang Papa niya mismo ang nag-utos sa care taker sa mansion na pati ang maliit niyang bahay ay linisan din.

