Tanghali na siyang nagising. Masakit rin ang ulo niya. Panigurado dahil sa hang-over. At natulala na lang siya nang mapansin ang suot na damit. Nasa silid na siya ngayon. Biglang nag-flash sa utak niya ang senaryo na nangyari sa kotse. Sa kotse ni Reous. Napatakip siya sa bibig at tensyunadong nagtungo sa banyo. Napatingin siya sa sarili sa salamin. Hindi maaari ito. Tuwing maaalala niya ang mukha ni Suzette ay para siyang tinuklaw ng ahas. Reous kissed her. Hindi siya ang nauna, pero pareho pa rin nilang kasalanan iyon. Dapat pinag-igihan niya pa ang pagpigil dito. Hindi dapat nangyari iyon. Biglang may kumatok sa pinto. Agad siyang nagtungo roon para pagbuksan ito. Ang babaeng asawa ng care taker ang napagbuksan niya. Ngumiti ito sa kaniya at may bitbit na tray na may baso ng tubi

