Hindi siya sumandal dito gaya ng gusto nito pero biglang bumilis ang pagpapatakbo nito kaya't hindi niya napigilan ang katawan na mapasandal sa dibdib nito. Gusto niyang mairita sa ginagawa nito lalo pa at halatang sinasadya nito ang lahat. “Hindi ba pwedeng sabay tayo sa takbo ng mga kabayo nila?” Kunot ang noo niyang reklamo dito. Nauuna na sila at naiiwan sina Gabriel at Leandro sa likod. Kung bakit kasi kailangan pa na mauna e may kasama sila. Hindi pa rin ito nakinig at patuloy sa pagpapatakbo ng mabilis. “Reous, hintayin na'tin sila.” Iritado na siya. Para itong bingi na walang narinig. Gumalaw ang panga nito at ang mabigat nitong tingin ay tumama sa kaniya. “Alam ko ang pupuntahan na'tin. Maghihintay tayo doon sa kanila.” Seryoso ang boses nito. “Reous,”mahina niyang sambit.

