Hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos sa mag-asawa at kay Rafael. Sa isang kisap mata ay natagpuan niya na lang ang sarili sa loob ng sasakyan ni Reous. Kumuyom ang kamao nito sa manibela habang binabagtas nila ang lubak na daan patungo sa public highway. Hindi niya alam kung papaano ito kausapin. Dapat siya ang naiinis dito pero kung makaasta ito ay parang siya pa ang may atraso. May nangyari bang masama? Wala naman, 'di ba? At bakit sumunod pa ito sa kaniya doon? “Ba't ka nga pala sumunod dito? Are you done with your business with that candidate? Hindi siya nanalo, 'di ba? Maaga siyang umalis sa stage. At ikaw rin.” Bahagya siyang tumawa para sana pagaanin ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Mabigat sa dibdib na pag-usapan ang tungkol doon pero iniisip niyang pwedeng gawing

