Hindi siya bumalik sa mansyon. Ipadadala niya sa mga katiwala niya ang laptop niya. At magpa-follow up na rin sa naiwang responsibilidad sa kompanya. Escape place niya ang maliit na bahay na ito. Siguro ay babalik na rin si Reous mamaya kapag nalaman nitong hindi muna siya uuwi ng mansyon ngayon. Mas maigi na ito nang maiwasan niya ang lalaki at nang makakilos siya ng maayos. Nagtatanim siya ng bulaklak sa likod gaya ng nakagawian. Tahimik ang buong bahay ngunit nandiyan pa ang pick-up ng lalaki. Ilang saglit ay naramdaman niya ang presensya nito sa gilid niya. Nakatayo ito doon at nagka-kape. “What do you want to drink? Coffee or tea?” “Bakit nandito ka pa, Reous?” Binalewala niya ang tanong nito. “You're here too, Salome.” Nairita na binalingan niya ito. Binaba niya ang flower pot

