3 ~bestfriends~

1046 Words
"Mama andito napo ako may binigay na ulam si Aling Trina ang dami nito hindi na natin kailangang magluto pa ng hapunan initin nalang daw po natin dahil papasok na siya" bungad na bati ni Nene sa ina pagpasok ng kanilang bahay. "Naku ang dami nga sobra sobra sa atin yan anak akin na at iinitin ko bigyan mo si Kuya Arnel mo at magkakaliskis na yon kakaulam ng sardinas" tatawa tawang wika ng kanyang ina Agad na natuwa sa excitement si Nene dahil makikita na naman niya si Fafa Arnel niya! "Ah sige po nay napakarami nga nito talaga sobra sobra yan sating dalawa hindi naman na kumakain si Ate Sheena pag umuuwi eh, ang dami pa ngang natira doon kina Badeth Ma mga nakabilao pa yung iba at wala pang bawas bukas daw ay yung ibang putahe naman ibibigay nila. Nagpacatering pa daw kasi yung customer nya kagabi hindi na nga daw niya binitbit yung iba at pinamigay na lang sa mga tauhan doon. Tayo lang daw pati ang bibigyan ni Aling Trina dahil ayaw nyang bigyan yung mga kapitbahay nating marites na lagi na lamang siya pinag-uusapan kapag dadaan siya eh mga mukha naman daw pwet! haha" natatawang kwento ni Nene "Loka-loka talaga yang si Trina sabi ko nang hayaan nalang ang mga chismosa na yan dahil iyan na talaga ang gawain nila sa araw-araw hindi kumpleto ang araw ng mga yan ng walang napag chichismisan." iiling iling na wika ni Aling Pina at halata sa boses nito ang pagkainis. "eh Ma sabi kasi ng mga chismosa na yan baka nga daw hindi lang iisa ang ama ni Badeth dahil sa dami daw ng naging customer ni Aling Trina noon kaya hindi na niya alam sino ang tatay ni Badeth. Pwede ba yun ma madami ang tatay? paano po yon nangyari?" nagtatakang tanong nito sa ina "Nakung bata ka ano ba naman yang tanong mo! Wag na wag kang makikinig sa mga chismosa na yan dahil walang matinong lumalabas sa mga bunganga nyan! isa pa buhay nila yan anak masama makialam sa buhay ng iba at wala naman sila inargabyadong tao. Maayos naman ang buhay nilang mag-ina kahit sila lang. Sa totoo lang ay mabuting tao yang si Trina anak mula pa noon pero ewan ko ba sa babaeng yan kung bakit naging ganyan eh samantalang nung mga bata pa kami ay napakahinhin niyan akala ko nga ay magmamadre siya haha! Pero ganun talaga ang tao anak maaring magbago base sa takbo ng buhay nya ang importante ay wala siya natatapakang tao sa ginagawa niya hindi man marangal ang trabaho nya sa paningin ng karamihan at kahit tutol ako sa trabaho nyang iyan ay wala naman ako magagawa dahil buhay nya iyan. Nagkaganyan lang naman siya mula nang mamatay ang mga magulang niya at nag-iisa lang siyang anak at walang kamag-anak ang gustong kumupkop sa kanya. Hanggang sa nagawi siya sa ganyang trabaho at iyan ang bumuhay sakanya magpa hanggang ngayon na dalawa na sila mag-ina. Yon ang reyalidad ng buhay nya kailangan niyang kumayod para mabuhay sila mag-ina. Ang masamang tao ay yung mga chismosa na yan dahil naghuhusga sila ng tao at hindi nila nakikita ang kamalian nila!" kwento pa ni Aling Pina na mas lalong bumakas ang galit sa boses nito. Tulad kasi nila ni Badeth ay magkababata at bestfriends din ang kanilang mga ina magpahanggang ngayon. Hindi nga lang kagaya ng dati ang bonding nila dahil busy na sila sa kani-kanilang buhay. Si Aling Pina ay abala sa pag-aalaga sa kanyang pamilya at si Aling Trina naman ay sa paghahanapbuhay para sakanilang mag-ina. "Totoo Ma mahinhin si Aling Trina dati? kung ganon napakalayo na pala niya sa dati nyang pagkatao..." nagtataka pa ding sambit ni Nene. Tumango lamang ang kanyang ina at nagpatuloy sa pagsasalita "Pero anak hindi sa sinasabi kong tularan mo siya ha sadyang yun lang ang naging takbo ng buhay na pinili niya. Ang importante lang doon ay hindi siya nagnakaw kanino man o nanloko ng ibang tao. Pero marami namang ibang trabaho na pwede mong pasukin na hindi mawawala ang iyong dignidad at huhusgahan ng mga tao. Kagaya nalang namin ng Papa mo hindi rin kami nakapagtapos ng pag-aaral kagaya ni Trina dahil sa hirap ng buhay namin noon. Pero heto kami pilit kayong itinataguyod sa abot ng aming makakaya. Hindi man tayo mayaman ay sisikapin nmain maging maganda ang kinabukasan ninyong magkakapatid. Ang Papa mo ay nagtitiis magtrabaho sa ilalim ng sikat ng araw para makapagpadala ng pandagdag sa gastusin natin. Ang tularan mo ay ang iyong mga Kapatid. Ang Ate Sheena mo nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman maganda ang napasukan niyang trabaho. At dahil pinagbubuti din niya ang kanyang trabaho ay naging manager na siya. Ang kuya mo naman ay pinagbubuti din ang pag-aaral kaya nakakuha siya ng scholarship sa magandang kolehiyo. Kahit na malayo siya sa atin ay ayos lang dahil para iyon sa ikagaganda ng kinabuksan niya... iyan lamang ang maibibigay namin sainyo ng Papa mo anak kaya pagbutihin mo ang iyong pag-aaral...'" emosyonal na pahayag ni Aling Pina "Naku si Mama naman mauuwe pa tayo niyan sa drama eh saka sila Ate at Kuya talaga ang idol ko Ma pangarap kong magtayo ng bangko at dina tayo mauubusan ng pera hehe" pag-aaliw nito sa kanyang ina "Naku loko ka talagang bata ka oh siya kumuha kana doon ng lagayan at bigyan mo ang Kuya Arnel mo nitong Pansit at Fried Chicken. Bilisan mo ha at kakain na din tayo pagbalik mo." utos ni Aling Pina sa anak. Bumalik na naman ang excitement ni Nene ng marinig ang pangalan ni Fafa Arnel niya kaya mabilis siyang kumuha ng lagayan at iniabot ito sa kanyang ina. Bago siya lumabas ay napatingin siya sa salamin sa may sala at napatitig ng saglit sa kanyang itsura. Inayos nya ang kanyang buhok na hanggang beywang na ang haba at medyo curly ito hinawi niya ito paounta sa kanyang tenga at tipid na ngumiti. "Pak na yan Girl pretty kapa din naman kahit panlalaki yang damit mo. Bukas ay uumpisahan ko na ang aking glow-up para sayo Arnel my loves! " wika nito sa sarili at napakindat pa sa salamin. Mabuti na lamang at busy pa sa kusina ang kanyang ina kaya hindi siya nakita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD