"Tao po? Kuya? Pinapaabot ni Mama ulam kahit di ka na magluto ng hapunan madami to!"
sigaw ni Nene habang kumakatok sa pintuan sa tinutuluyan ni Arnel.
Ngunit walang sumasagot at ng mapansin niyang hindi naka-lock ang pinto ay walang pag-aalinlangan siyang pumasok sa loob. Dahil madalas na niyang ginagawa ito ay medyo sanay na siya at hindi naiilang na pumasok sa bahay ng binata.
"Kuya andito ka ba?"
sigaw ulit ni Nene at inilapag ang dala nitong pagkain sa mesa. Dahil sa maliit lamang ang inuupahan ng binata ay diretso sala na din ang kusina nito.
Lumitaw sa harapan ni Nene ang binata at nakatapis lang ito ng tuwalya. Katatapos lamang pala nito maligo kaya hindi siya agad narinig. Tumambad sa dalaga ang makisig ng katawan ng binata at medyo basa basa pa ang dibdib nito at kitang kita ang 6 packs nitong abs at magulo din ang basa nitong buhok pero lalo siya gumwapo dahil ang fresh fresh nitong tignan.
Napamaang si Nene sa nakita dahil may kakaiba siyang naramdaman sa kanyang katawan na hindi niya maintindihan. Huli na ng mapagtanto niyang nakakahiya kaya napatakip na lamang siya ng kanyang mukha gamit ang dalawa niyang palad. Tatalikod na sana siya nang makalapit na sakanya ang binata at amoy na amoy nito ang bango ng katawan ng binata.
"Ay! so-sorry kuya b-bukas kasi ung pinto k-kaya pumasok na ako"
nahihiyang sambit ni Nene na nakatakip pa din ang mukha.
"Haha ayos lang Nene pasensya na hindi kita narinig at nasa banyo ako papasok na kasi ako mamaya at pang-gabi ang duty ko ngayon. Ang dami naman nito tamang-tama hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan. Sinong may birthday sainyo hindi ba't sa sunod na Buwan pa ang birthday mo?"
tanong ng binata sa dalaga at iiling iling na natatawa pa sa nakatakip nitong mukha. Wala naman kasi siyang malisya dito at nakaboxer short naman siya sa ilalim ng tapis nito. Ngunit sa likod ng isip nya ay tila nagtaka siya dahil hindi naman ito ang unang beses na naabutan siya ni Nene ng ganoon ang ayos at hindi naman ito nahihiya at nagtatakip ng mata kagaya ng kinilos niya ngayon.
"Ah kina Aling Trina talaga yan galing pero sobrang dami kasi kaya pinadalhan ka din ni Mama dalawa lang naman kaming kakain hindi namin kayang maubos yun. S-sige kuya uuwi na a-ako ha"
nauutal pang paalam nito sa binata
"Sige Nene pasabi nalang kay Aling Pina na maraming salamat at bukas ko nalang isasauli itong lagayan" wika naman ng binata
Mabilis na lumabas si Nene at nang makalayo na siya ay impit na naman siyang napatili dahil sa nakita ngunit napailing na lamang din siya dahil naisip din niyang mali ito at masyado pa siyang bata para sa gaanong bagay.
Ngunit hindi nya maiwasang humanga sa kisig na katawan ng binata dahil hindi naman maikakailang masasabing ang hot talaga nito.
Nagtataka lamang siya sa sarili dahil hindi naman ito ang unang beses na nakita niyang topless ang binata dahil madalas naman itong ganito lalo na kapag makikita nila itong nagbubuhat ng mga pinamili ng kanyang Nanay. Iba lang talaga ang dating nito sakanya ngayon. Siguro kasi ay ang fresh fresh nito at napakabango dahil bagong ligo.
Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong niya ang kaibigang si Badeth at alam agad nito kung saan siya nanggaling at kita sa mukha ng kaibigan na namumula pa ito.
"Hoy babae! anong nangyari don ha bakit namumula ka jan?!"
wika ni Badeth sa kaibigan sabay hinila ang braso nito dahil mukhang lumilipad pa ang isip nito at mukhang hindi siya nito napansin.
"uy ikaw pala yan" ani Nene na halatang nagulat pa sa kaibigan. Lumilipad nga ang isip nito
"ay hindi te imagination mo lang ako! haha! lutang ang gaga anu na naman ba meron ha anong nangyari!?" niyuyugyog pa ni Badeth ang braso ni Nene at mukhang hindi pa ito nahihimasmasan sa pagkalutang.
"Eh kasi naman nakita ko si Arnel my loves ng naka-topless at bagong ligo pa grabe beh yun siguro yung sinasabing HOT!" pabulong na sagot ni Nene sa kaibigan ngunit di maitago ang kilig nito.
Binatukan ni Badeth ang bff nya sa narinig. "Hoy gising Nene! Pagnanasa na yan loka loka ka bata pa tayo para diyan! umuwi kana nga at baka may makarinig pa satin dito alam mo nang daig pa ng cctv mga marites dito satin ang lalakas ng radar ng mga yan!"
"Opo Nanay uuwi napo..."
pang-aasar namang sagot ni Nene sabay hagikhik
"Kita nalang tayo bukas sa school doon mo nalang ikwento lahat ha uwi na Ba-bye!"
taboy ni Badeth sa kaibigan at nagpaalam na sila sa isa't-isa.
"Oh anak ang tagal mo naman lalamig na naman itong ininit kong pagkain. Halika na nang maka-kain na tayo ng hapunan"
wika ni Aling Pina na kanina pa pala naghihintay dahil medyo natagalan nga ang anak.
"Sige po Nay sorry po ang tagal kasing magbukas ng pinto ni Kuya bukas nalang daw niya ibabalik yung lagayan at maraming salamat daw Ma sakto daw at papasok daw siya ngayong gabi. Hindi pa nga din daw siya nakakapagluto mabuti nalang pala Ma binigyan natin siya."
sagot naman ni Nene sa ina
"Kaya nga anak alam ko kasing nagpadala agad ang batang yon sa pamilya nya sa probinsya. Kilala ko yon halos wala yon ititira sa sarili nya bukod sa pambayad nya sa upa. At puro sardinas na naman ang uulamin non. Kaya nga kapag meron tayong sobrang pagkain ay lagi ko siyang pinabibigyan dahil tinitipid niya lagi ang sarili niya para lang may maipadala dahil siya ang nagpapa-aral sa maliliit pa niyang mga kapatid"
kwento naman ni Aling Pina. Hanga talaga siya sa binata dahil lakas loob itong lumuwas sa Maynila upang maghanap ng trabaho at matustusan ang pag-aaral ng mga nakababatang kapatid. Dahil sobrang hirap ng buhay sa kanilang probinsya sa Iloilo. Ang kanyang ina ay umeextra lamang kapag may aani ng "tubo" sa taniman ng kanilang mga kapitbahay at ang kinikita nito doon ay kulang pa sa pagkain nila ng isang araw. Ang kanyang ama naman ay ganun din ang trabaho ngunit pumanaw na ito dahil sa sakit at katandaan. Mula nang mamatay ang kanyang Ama ay lalo pang humirap ang kanilang buhay kaya nagpasya siyang lumuwas ng Maynila upang makahanap ng trabahong mas malaki ang kita. Kapitbahay din nila sa probinsya ang kamag-anak ni Mang Kanor kaya naman ay nairekomenda sakanya ang paupahan nito sa Maynila na mura lang ang upa na 500 pesos buwan-buwan kasama na ang tubig at kuryente dahil napakaliit nito pang-isang tao lang talaga at wala itong kwarto. Mabuti na lamang at may sariling cr at kusina ito. At ang kusina ay siya na din niyang sala at nagsisilbing tulugan na din. Mabuti na lamang at mabait sakanya sina Aling Pina at pinahiram siya nito ng folding bed. Hindi naman na kasi ito nagagamit ng asawa niya dahil bawat lugar naman na madestino ito ay gumagawa sila ng kubo at papag.
Nang matapos nang kumain ang mag-ina ay nagligpit at naghugas na si Nene ng kanilang pinagkainan. At si Aling Pina naman ay nagsara na ng tindahan. Maaga silang nagsasara, alas-otso ng gabi ngunit maaga naman sila nagbubukas, tuwing alas-kwatro ng umaga.
Naglinis ng katawan si Nene at nagpalit ng damit pantulog na pajama at tshirt na pinagliitan ng kuya niya. Dito talaga siya komportable lalo na kapag matutulog siya.
Ngunit ngayong gabi ay hirap siyang makatulog kaya papaling-paling siya sa higaan at hindi dapuan ng antok. Hindi kasi maalis sa isipan niya ang nakita niya kanina.
"Hala bakit kaya ganito pagnanasa na nga ba talaga to Nene iihh!! bad yon!!"
naiiling na sabi niya sa sarili at sinampal sampal ng mahina ang sarili.
Pabalik balik kasi sa isip nya ang topless na katawan ng binata at nakangiti ito sakanya habang binabanggit ang pangalan niya...
Hanggang sa dapuan nalang siya ng antok kakaisip at mahimbing na nakatulog....