"Hoy kwento na dali!" utos ni Badeth kay Nene nang matapos kasi ang kanilang klase ay dumiretso sila sa library para kumuha ng reference sa kanilang assignment.
"Mamaya na nho andito tayo sa library gaga ka ba bawal maingay dito tapusin nalang natin to at bagalan nalang natin maglakad mamaya pag-uwi hihi"
wika naman ni Nene sabay hagikhik dahil kinilig na naman ito
"Siya sige patapos na din naman tayo dito pasuspense ka talaga lagi kakainis" dismayadong sagot ni Badeth habang nakanguso
Iiling iling habang nakangiti naman si Nene na nakatingin sa kaibigan at binalik ang atensyon sa ginagawa.
Nang matapos na sila ay ibinalik na nila ang mga libro at niligpit ang kanilang mga gamit.
"So ano na nga? Bilisan kasi at baka mapano ka sakin kanina ko pa inaantay eh!" pangungulit agad ni Badeth pagkalabas nila sa library at kumapit pa ito sa braso ng kaibigan.
"ay grabe siya oh di talaga halatang excited haha sige na nga eto na"
panimula naman ni Nene
"Yun nga kagabi diba pinaghatid aq ni Mama sakanya ng ulam kasi nga madami naman yung binigay nyo tapos ayun nakita ko siya na nakatopless kasi kakatapos lang niya maligo. Nakapagtakip naman ako ng mukha kasi nahiya ako bigla pero kitang kita ko yung abs nya beh! Anim na pandesal grabe! haha!" masayang wika ni Nene at minumwestra pa sa kamay ang umbok ng pandesal na sinasabi nya
"tapos ang bango bango niya ano kaya sabong pampaligo gamit nya nho? tapos ung hininga nya amoy mouthwash din!" pagpapatuloy ng dalaga
Natawa naman din sakanya ang kaibigan.
"Hala ka beh makasalanan na yang mata at isip mo haha! grabe ka akala ko ba ako ang liberated sating dalawa? mas malala kapa pala hahaha!"
"Uy di naman saka di ko naman sinasadya makita yun ah parang wala nga lang sakanya at tinawanan pa ako ng magtakip ako ng mukha" nakangusong sagot naman ni Nene
"oh siya hindi na haha! defensive? Mamaya punta ka ulit sa bahay binilin na ni Mommy sakin yung mga ibibigay ulit sainyo ng maubos na yun nauumay akong tumingin sa ref kaloka! kahit nga ayaw ni Mommy bigyan yung mga marites nating kapitbahay eh pinilit ko nalang siya kasi napakarami pa talaga non wala pa nga bawas yung iba.Tsaka para makapunta ka ulit kay my loves mo mamaya at nang my kwento ka ulit haha!" ani Badeth
"Haha sige magpapalit lang muna ako ng damit at magpapaalam ako kay Mama sayang din nga kasi yun kung mapanis lang at para makatipid din kami sa budget. Saka alam mo ok na din yun na binigyan nyo yung mga marites na yan para makita nilang hindi apektado Mommy mo sakanila pasalamat nalang sila sa grasya!" wika naman ni Nene
Pagka-uwi ay nagpaalam nga sa ina si Nene at nagtungo sa bahay ng kaibigan. Gaya ng dati ay nasa sala na namang natutulog ang Mommy nito at ni hindi pa nakakapagbihis. Palagi kasi itong lasing na umuuwi at siguro ay nakakapagod talaga ang trabaho nito sa isip ni Nene. Kaya sanay na siya na makitang ganito ito sa tuwing pupunta sa bahay ng kaibigan. Nakahanda na nga ang mga ibibigay nito sakanya at nagpaalam na siyang uuwi pagkatapos magpasalamat.
"Ma heto my grasya na naman hehe mukhang ang sasarap nito." masayang sabi nito sa ina.
"Masarap talaga iyan anak akin na at iinitin ko lang." si Aling Pina at kinuha ang mga dala ng anak.
"Ma nakakapagod ba talaga yung trabaho ni Aling Trina? Ni hindi na kasi siya nakakapasok sa kwarto niya at sa sala nalang nila nakakatulog. Ni hindi na rin siya nakakapagbihis." nagtataka na namang tanong ni Nene sa ina
"Siguro nga anak. Isa pa sa gabi kasi ang kanyang trabaho kaya sa umaga naman siya babawi ng tulog ganoon talaga." simpleng sagot naman ng kanyang ina.
"Ah sabagay nga Ma edi si Kuya Arnel ganoon din kasi diba sabi nya pang gabi daw ang pasok niya?" wika naman ni Nene at talagang ang binata agad ang pumasok sa isip niya. Mabuti nalang at hindi naman nagtaka ang ina sakanya.
"Oo ganoon nga anak parang sa Ate Sheena mo lang kapag pang-gabi ang shift nya eh maghapon din siyang tulog diba gigising nalang kung kailan papasok na naman siya. Kailangan nila makabawi ng tulog sa umaga dahil gising naman sila sa gabi. Ikaw talagang bata ka. Oh ito pwede na ito kainin dahan-dahan lang at mainit." wika ni Aling Badeth at hinain sa mesa ang masasarap na pagkain.
May carbonara, cordon bleu, kaldereta at patatim. Iyong isang buong lechon manok ay ilelechon paksiw na lamang daw nya mamaya para sa hapunan. Mamaya nalang din daw niya bigyan ang Kuya Arnel niya dahil malamang ay natutulog din ito. Napatili naman sa saya ang dalagita sa kanyang isip. Mabuti na lamang at halatang takam na takam siya sa mga pagkaing nasa harapan kaya naman hindi halatang iba ang nasa isip nya at dahilan ng kanyang malawak na ngiti. Sa sobrang takam ay nilantakan nya agad ang pagkain. Tinapik naman ng ina ang kanyang kamay at sinaway na magdasal muna.
"Teka anak nakalimutan mo nang magdasal bago kumain sa sobrang takam mo diyan. Wag na wag mong kalilimutang magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya sa atin." saway nito sa anak.
"Sorry po Ma." sambit naman ni Nene at nagdasal ang mag-ina bago kumain.
Ginawa ni Nene ang mga palagi nyang gawain. Nagligpit at naghugas ng pinag kainan at nagbantay ng kanilang tindahan.
Ang nanay naman niya ay maglalaba ng kaunti nilang labahin at pagkapahinga ay matutulog ito.
"Nene ito na yung lagayan kagabi. Salamat ah pakisabi nalang kay Aling Pina." Si Arnel.
"A-ah sige kuya." uutal utal na naman si Nene.
"Ah kuya mamaya pala wag kana ulit magluto ng hapunan kasi bibigyan ka daw ulit ni Mama" pahabol niya sa binata
"Wow parang araw-araw may okasyon sainyo ah hehe sige salamat ulit matutulog muna ako at papasok na naman mamayang gabi" nakangiting sagot ng binata at tumalikod na pauwi. Halata nga sa mata nito ang puyat at pagka antok ngunit hindi man lang nabawasan ang kapogian nito.
Naiwan na naman si Nene na nakatulala at hindi namalayan ang sariling yakap na pala niya ang lagayang binalik ng binata. At wala sa sariling inamoy nya pa ito kaya nahimasmasan siya sa ginawa at natawa sa sarili. Iiling iling na lamang siyang pumasok sa kusina at binalik ito sa lagayang ng pinggan.
"Grabe kana talaga Fafa Arnel ang lakas na talaga yata ng tama ko sayo! Hintayin mo lang talaga ang glow-up ko at ikaw naman ang mapapatulala sakin at mababaliw hihi!" pilyang wika ni Nene sa isip.