6 ~Glow-up~

1329 Words
Maya-maya ay oras na naman ng hapunan kaya nag-asikaso na si Aling Pina sa kusina. Kinuha niya sa ref ang itinabing lechon manok na galing kina Aling Trina at ilelechon paksiw nya ito. Wala naman bumibili pa sa kanilang tindahan kaya naman hindi na muna niya tinawag ang anak at dinig din naman sa kusina kapag may sisigaw ng pabili. Si Nene ay abala naman sa pag-aayos ng kanyang damitan. Desidido na kasi talaga siyang simulan ang kanyang glow-up. At sisimulan na niya ito ngayong araw dahil alam niyang mamaya lang ay uutusan siya ng Nanay niyang maghatid ng ulam kay Arnel. Inilipat nya ang mga pinagliitang damit ng kanyang Kuya Totoy sa lagayan ng kanyang mga pantulog at ang mga pambabaeng damit naman na binili ng kanyang Ate Sheena ang nilagay nya sa kanyang lagayan ng mga pambahay na damit. Isinukat nya ang isang bestidang dilaw at humarap sa salamin. Sinipat nito ang sarili at natuwa dahil bagay ito sa kanya at simple lamang ito. Sleeveless ito at hanggang tuhod ang haba may tatlong butones din na disenyo sa may dibdib at medyo hapit sa kanyang katawan kaya naman bakat ang korte ng kanyang bewang at balakang. Dagdag din ang maumbok at bilugan niyang puwet at presko ang tela nito kaya komportable pa ding suotin. Nagpasya siyang ito ang kanyang isusuot ngayon. Hinanap nya din ang lagayan ng mga ipit na binili ng Ate nya sakanya at napili nyang gamitin ang itim na headband na may mga perlas. Sinipat nya ulit ang sarili sa salamin at sinuklay ang kanyang long curly hair. Magaling talaga pumili ng disenyo ang Ate Sheena nya. Nasabi nya sa isip dahil tuwang tuwa siya sa ayos niya. Simple lang ito pero babaeng babae talaga siya sa gayak niya. Naglagay din siya ng kaunting pulbo na Young's sa kanyang mukha. Bili din ito sa kanya ng Ate nya, pareho sila ng gamit at gustong gusto niya ang amoy nito dahil napakabango. Bihira din kasi gumamit ng make up ang Ate nya madalas ay pulbo at lipstick lang ang nilalagay nito kapag papasok sa trabaho. Naglalagay lamang ito ng make-up kapag may mahalagang event ito sa trabaho o aattend sa okasyon. Nang matapos mag-ayos ng sarili ay lumabas na siya ng kanyang kuwarto at binida sa kanyang Nanay ang itsura nya. "Ma maganda ba? Ang gaganda pala talaga ng mga binili ni Ate na damit sakin oh" pagbibida nya sa ina at umikot pa habang hawak ang laylayan ng kanyang bestida. "Aba oo nga anak bagay sa iyo. Mabuti naman at naisipan mo ng suotin ang mga iyan dahil nagagalit na talaga ang Ate mo at tinatago mo lamang iyan. Hay dalaga na talaga ang bunso ko..." halata na naman ang emosyon sa boses ng ina kaya nilapitan nya ito at niyakap "Syempre ako pa rin si Nene na maganda niyong bunso Ma hehe" malokong sabi naman nito sa ina "Matutuwa ang ate mo nyan kapag nakita nyang sinusuot mo na ang mga iyan malay mo bilhan kapa ulit nun ng madami" nakangiti namang wika ni Aling Pina at kumalas na sa yakap ng anak dahil hahanguin na nya ang kanyang niluto. "oh siya anak hatidan mo na ulit ng ulam ang Kuya Arnel mo at papasok na yon mamaya sa trabaho. Dadagdagan ko na ito para pwede pa niyang maibaon ang iba." "Ay oo nga po ang dami na naman kasi niyan Ma sige po hatid ko na to sakanya" sagot naman ni Nene at umalis na dala ang pagkain. Napatigil na naman siya sa salamin sa may sala at muling sinipat ang hitsura. Napangisi siya dahil sa kapilyahang pumasok na naman sa isip niya. "Humanda ka sakin ngayon Fafa Arnel my loves sigurado akong mapapa-nganga ka sa itsura ko ngayon haha hindi ka lang dito sa dala kong lechon paksiw matatakam kundi pati sakin! hahaha!" Natawa at napailing naman siya sa kanyang sarili dahil parang mali naman ang nagamit niyang salita sa isip. "Ay kaloka matatakam talaga haha! bad! ok na yung mapatulala siya sakin at maappreciate niya tong glow-up look ko ang ganda-ganda ko kaya! hahaha!" natatawa na naman siya sa kanyang isip habang naglalakad papunta sa bahay ng binata. Pagdating niya ay nakabukas ang pinto nito kaya tinawag niya muna ang pangalan nito at dumiretso na siya sa loob. Naabutan nga niya ang binata na naka-uniporme na at nakaupo ito habang nakayuko at nagsusuot ng sapatos. Napa-angat ito ng tingin sa dalaga at halata sa mata nito ang pagkamangha. Saglit itong natulala at napatitig sa dalagang nakatayo sa kanyang harapan. Hindi nito napansin na napanganga na pala siya at ang pilya namang dalaga ay hinawakan ang kanyang panga sabay isinara ang kanyang bibig pagkatapos inilapag ang dalang pagkain sa lamesa. "Hay kuya isara mo nga yang bibig mo baka pasukan ng langaw! haha!" pilyang wika ng dalaga Napalunok naman ng laway ang binata at tumayo ito nang mahimasmasan at nakaramdam ng hiya. "Wow ikaw ba yan Nene? Nakaayos yata tayo ah saan ba ang lakad mo at nakabihis ka gabi na ah?" tanong ng binata pero sinadya nya ito para matago ang paghanga sa itsura ng dalaga. "Hala siya porket nakaganito lang kelangan may lakad na pambahay nga lang ito" halata naman ang inis ng dalaga sa sinabi nito "Haha joke lang nagulat lang kasi ako hindi nga kita agad nakilala. Tama nga iyan mag-ayos kana kasi dalaga kana wag mo nang susuotin ang mga niliitan ng kuya mo at nagmumukha ka din kasing lalaki don. Bagay sa iyo ang mga ganyang damit ang ganda mo Nene." ramdam ang sinseridad sa sinabi ng binata at totoo ito nagandahan talaga siya sa dalaga. "Hehe salamat Kuya sayang din kasi itong mga binili ni Ate kung hindi ko susuotin nagagalit na pati siya sa akin at baka liitan ko na din daw haha!" pahumble na sagot naman ng dalaga at hindi maitago ang pamumula nito dahil sa narinig na papuri. "Sige kuya uuwi na ako balik mo nalang ulit bukas yung lagayan dinagdagan daw yan ni Mama para mabaon mo yung iba." patuloy pa ng dalaga at tatalikod na sana ito ng hawakan ng binata ang braso nito at pinaharap sakanya. "Ah—" nasabi lang ng binata ”Bakit kuya?" takang tanong naman ng dalaga. "A-ah w-wala salamat pala ulit p-pasabi sa Mama mo..." wika ng binata at nauutal pa. Nagulat din siya sa sarili bakit ginawa niya iyon. Patay malisya namang tumango ang dalaga at umalis na ito. Naiwan ang binata na nagtataka sa sarili bakit niya nagawang hawakan ang braso ng dalaga gayong wala naman talaga siya sasabihin ngunit inisip nalang niya na hindi pa nga pala siya nakakapagpasalamat dito. Ngunit ang mas pinagtataka niya sa sarili ay bakit parang iba ang naging epekto sa katawan niya sa paghawak niya sa braso ng dalaga. Napayuko siya sa kanyang pantalon at nagulat siya ng makitang nagising ang kanyang alagang nasa loob nito. Napailing na lamang siya sa nakita at pinagpag ang pantalon nito at sinabi s isip na masama iyon at napakabata pa ni Nene isa pa nakababatang kapatid ang turing niya dito dahil hindi naman nalalayo ang edad nito sa mga nakababata niyang kapatid sa probinsya. Kumain na ang binata ng hapunan at ibinaon niya ang iba dito. Natuwa naman siya dahil makakatipid siya sa budget niya ngayong araw at hindi pa siya magugutom sa trabaho mamaya dahil may kakainin siya. Kagabi kasi ng unang pasok niya ay tiniis nya ang gutom bandang madaling-araw dahil mahal ang mga pagkain doon. Kailangan niyang magtipid para mas malaki ang mapadala niya sa probinsya dahil kulang pa ng gamit sa skwela ang kanyang mga kapatid. Pag-uwi sa umaga na lamang siya nagsaing at bumili ng itlog sa tindahan nila Aling Pina. Magkano lamang ang nagastos niya at nabusog pa siya. Sa karinderya kasi ay kaunti lamang ang takal at kulang pa sakanya ang isang order ng kanin na kapag dalawa ang inorder niya ay katumbas na ng kalahating kilong bigas ang presyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD