Hindi mapigilan ni Esrael ang mapaiyak habang binabaybay ang daan patungo sa police station kung saan ay hihingi siya ng back-up sa Tagkawayan police station Quezon Province upang mapuntahan ang kinaroroonan ni Isabella. Hindi niya akalain na maririnig niya ulit ang boses nito. Akala niya tuluyan na lamang siyang mangangarap na makasama itong muli. Ngunit nagtataka siya kung buhay ito. Sino ang nilibing nila at paano nangyaring pareho ang DNA result ng bangkay at ni Isabella? Huminto siya sa tapat ng bahay ni Mark at nagmamadali itong lumabas. “What the? Bakit ganyan ang suot mo?” Litanya ni Esrael nang makita nitong naka-padjama pa ang bestfriend niyang tinawagan niya upang matulungan siyang komontact ng back-up at mag-ayos sa sasakyan nilang chopper patungo doon. “Hating gabi na k

