Hindi makabalik si Charry sa pagtulog dahil sa pagtawag ni Brix. Kinakabahan din siya dahil baka hindi magtagumpay ang mahabang panahon niyang pinag-isipan na plano. Upang alisin sa landas nito si Isabella. At matuloy na ang kasal nil ani Esrael. Dinampot niya ang phone at nagtipa ng numero. “Hello? Umalis ba si Esrael?” kinakabahan na tanong niya sa kausap sa kabilang linya. “Hindi ko po alam Ms. Charry. Sisilipin ko po kung nandiyan ang kotse ni Sir Esrael.” Naghintay siya ng ilang minuto habang hindi mapakaling palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Maya-maya pa ay sinagot ulit siya nito. “Ma’am wala po sa parking ang kotse ni Sir. Yun lang po ang ginagamit niya kapag may mahalaga siyang lakad.” Imporma nito sa kanya. “s**t!” mura niya. Malakas ang kutob niyang alam na din n

