Chapter 66

1036 Words
Bring it on! . . Christian's Point of View "Dahil tunay na mahiwaga ang mundong ito mahal na itinakda, sadya itong inilaan sa mga demonyo, anghel at multo, dahil sa hiwagang taglay nito ay nag kakaintindihan ang bawat nilalang," bigla namana akong nakaramdam ng pag kamangha. Ganun pala yun, dahil nga galing sa iba't- ibang bansa at lugar ay hindi makakapag - taka kung may mga multo na kakaiba ang kasuotan. Tumango-tango naman ko at saka nag simulang lumangoy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Akwa ang aking pag subok kaya naman mag papakasaya muna ako sa pag-langoy. Sayang lang ay hindi nakasama sila Roldan at JM dito dahil siguradong magugustuhan nila dito dahil bukod sa payapa ang kapaligiran ay masarap at maaliwalas sa pakiramdam ang tubig. Kung nandito lang sila Roldan at JM ay siguradong nag papaunahan na yun sa pag langoy dahil lagi silang ganun sa tuwing nag sswimming kami mapadagat man o swimming pool. Lagi naman silang tabla dahil pareho silang nasa swimming team mula elementary silang dalawa, hindi na ako nag tatakang makipag laban sa kanila dahil wala akong patama, marunong naman ako lumangoy pero hindi kasing galing nila, nag re-referee na lang ako dahil nakakapagod makipag kompetensya sa kanila. Hindi kasi bumayad na si Akwa na sumama ang kahit sino sa pag punta namin dito kaya naman kaming dalawa lang ang nandito. Ilang saglit lang ay naiispan kong sumusid sa ilalim para tingnan kung may mga isda dito, pag sisid ko ay hindi nga ako nag kamali dahil agad akong nakakita ng mga iba't-ibang isda sa ilalim ng tubig. Labis akong namangha dahil iba't-iba ang mga kulay at laki nila. Halos kamukha lang ng mga isda sa mundo namin ngunit kakaiba ang kulay nito ,tulad ng asul, pula , berde at iba, siguro halos ng lahat ng kulay ay meron ang mga kulay ng isda. Napaahon ako ng makita kong pumupunta si Akwa sa bahagi ng talon kung saan mismo bumabagsak ang tubig. Meron doon malalaing bato kung saan bumabagsak ang tubig. Pinapunta niya ako roon at pinaupo, sa umpisa ay labis nasaktan ang aking likod dahil sa lakas ng pg bagsak ng tubig ngunit hindi kalaunan ay bahagyang nasanay na ang aking likod. "Ipikit mo ang iyong mga mata, at iwaglit pansamantala ang lahat ng bagay na gumugulosayo, payapain ang iyong isipan," Mahinahon na wika ni Akwa sa akin, sinunod ko naman ang kanyang mga sinabi, ngunit labis akong nahihirapan dahil sa nararamdaman kong sakit sa pag hampas ng tubig sa may talon. "Huwag mong pansinin ang tubig na bumabasak sa iyo mahal na itinakda, sa halip ay isipin mong walang tubig na bumabagsak sa iyo." Wika niya sa akin. Huminga ako ng malalim at sinubukang ialis ang aking atensyon sa sakit ng aking likuran. Ito na siguro ang pag sasanay ko, naalala ko na makukuha ko ang hiyas ng tubig kong matutunan kong payapin ang aking kaisipan. Hindi ko lang sigurado kug matututo ako sa ganitong paraan, pero nappanood ko sa mga anime na tuwing nag sasanay ang bidang lalaki sa isang anime ay minsan ganito rin ang unang pag sasanay nila ang pag tapat sa rumaragasang tubig ng talon, hindi ko lang alam kung paanong hindi sila nasasaktan sa unang subok nila sa pag tapat dito, dahil ako ay sobrang nasasaktan dahil parang hinahampas ng tubo ang aking likod. "Pakiusap mahal na itinakda, subukan mong payapain ang iyong kaisipan." Marahang akong tumango upang sumagot sa kanya, paano ko naman mapapaya ang aking isip kung mag sasalita siya ng mag sasalita? Gusto ko sana gamitin ang ice barrier upang maharang ang tubig na bumabagsak sa akin, pero para naman akong tanga nun dahil parang pinadali ko lang ang pag sasanay ko na walang natutunan. Sa pag kakaalam ko ay kaya ginagawa ang pag sasanay na ito upang hindi lang maging payapa ang iyong kaisipan , matutunan ko rin dito kung paano lumakas ang aking pakiramdam na magagamit ko sa pag ilag ng mga atake ng kalaban. Nag sisimula ng maging mapayapa ang aking isipan, pilit kong huwag mag isip ng kahit ano, at mag isip ng wala. "Aray!"Daing ko ng may bigla bumato sa akin, napatingin ako kay Akwa na may hawak na bato, at humahanda upang muli akong batuhin. "Anong ginagawa mo?" Inis na wika ko sa kanya habang hinihimas ang aking bahagi ng uli na tinamaan ng bato. Seryoso niya lang akog tiningnan at saka akmang babato. "Ito ang iyong pag sasanay sa akin mahal na itinakda, ang pag papayapa ng kaisipan upang maging matalas ang iyong pakiramdam," WIka niya sa akin, bahaga naman akong napakalma ngunit iniinda pa rin ng sakit ng aking ulo. " Kaylangan mong payapain ang iyong kaisipan at dapat maging handa ka sa pag iwas ano mang oras na batuhin kita." sabi na nga ba't tama ako. Napabuntong hininga na lamang ako at saka bumalik sa aking pag papayapa na aking kaisipan. Dahil sa lakas ng ng agus ng tubig ay nahihirapan uli akong mag payapa dahil mas natutuon ang aking atensyon sa sakit na aking nararamdaman. Muli akong huminga ng malalim at sinubukan uli gawing blanko ang aking kaisipan. Ngunit muling nasira ang aking kosentrasyon ng muli akong batuhin ni Akwa ng bato pero buti na lang ay bahagyang lumihis ang bato, kung hindi ay tinamaan na naman ang aking ulo. Bigla akong napatayo sa bato na aking kinauupuan dahil sa inis at dahil nga basa ang bato ay nadulas ako pababa at nahulog sa malalim na bahagi ng tubig. Pag bagsak ko sa tubig ay naalala ko ang mga sinabi ni Jehnny na hindi madali ang ibibigay na pag sasanay at pag subok sa akin ni Akwa. Napapikit ako sa ilalim ng tubig at hinayaan ang aking katawan na lumubog ng bahagya sa tubig. Ito na naman kasi yung pakiramdam ng gusto ko na sumuko, pero napadilat ako ng muli kong maalala ang mga pangako ko sa aking mga kaibigan at kay Jehnny. Kailangab ko pang tuparin ang mga yun kaya hindi dapat ako sumuko. Dali-dali akong lumangon paitaas at muling umakyat sa bato na aking kinauupuan kanina. Nilingon ko si Akwa at ngumisi, "Yan lang ba ang kaya mo?" Ngiting wika ko sa kanya. "Bring it on!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD