Bagong kakayahan
.
.
Christian's Point of View
.
"Pakiusap mahal na itinakda, subukan mong payapain ang iyong kaisipan." Marahang akong tumango upang sumagot sa kanya, paano ko naman mapapaya ang aking isip kung mag sasalita siya ng mag sasalita? Gusto ko sana gamitin ang ice barrier upang maharang ang tubig na bumabagsak sa akin, pero para naman akong tanga nun dahil parang pinadali ko lang ang pag sasanay ko na walang natutunan. Sa pag kakaalam ko ay kaya ginagawa ang pag sasanay na ito upang hindi lang maging payapa ang iyong kaisipan , matutunan ko rin dito kung paano lumakas ang aking pakiramdam na magagamit ko sa pag ilag ng mga atake ng kalaban. Nag sisimula ng maging mapayapa ang aking isipan, pilit kong huwag mag isip ng kahit ano, at mag isip ng wala.
"Aray!"Daing ko ng may bigla bumato sa akin, napatingin ako kay Akwa na may hawak na bato, at humahanda upang muli akong batuhin. "Anong ginagawa mo?" Inis na wika ko sa kanya habang hinihimas ang aking bahagi ng uli na tinamaan ng bato. Seryoso niya lang akog tiningnan at saka akmang babato.
"Ito ang iyong pag sasanay sa akin mahal na itinakda, ang pag papayapa ng kaisipan upang maging matalas ang iyong pakiramdam," WIka niya sa akin, bahaga naman akong napakalma ngunit iniinda pa rin ng sakit ng aking ulo. " Kaylangan mong payapain ang iyong kaisipan at dapat maging handa ka sa pag iwas ano mang oras na batuhin kita." sabi na nga ba't tama ako. Napabuntong hininga na lamang ako at saka bumalik sa aking pag papayapa na aking kaisipan. Dahil sa lakas ng ng agus ng tubig ay nahihirapan uli akong mag payapa dahil mas natutuon ang aking atensyon sa sakit na aking nararamdaman. Muli akong huminga ng malalim at sinubukan uli gawing blanko ang aking kaisipan. Ngunit muling nasira ang aking kosentrasyon ng muli akong batuhin ni Akwa ng bato pero buti na lang ay bahagyang lumihis ang bato, kung hindi ay tinamaan na naman ang aking ulo. Bigla akong napatayo sa bato na aking kinauupuan dahil sa inis at dahil nga basa ang bato ay nadulas ako pababa at nahulog sa malalim na bahagi ng tubig.
Pag bagsak ko sa tubig ay naalala ko ang mga sinabi ni Jehnny na hindi madali ang ibibigay na pag sasanay at pag subok sa akin ni Akwa. Napapikit ako sa ilalim ng tubig at hinayaan ang aking katawan na lumubog ng bahagya sa tubig. Ito na naman kasi yung pakiramdam ng gusto ko na sumuko, pero napadilat ako ng muli kong maalala ang mga pangako ko sa aking mga kaibigan at kay Jehnny. Kailangab ko pang tuparin ang mga yun kaya hindi dapat ako sumuko. Dali-dali akong lumangon paitaas at muling umakyat sa bato na aking kinauupuan kanina. Nilingon ko si Akwa at ngumisi,
"Yan lang ba ang kaya mo?" mapang-asar na sigaw ko kay Akwa. Nakita ko ang bahagyang pag- ngiti niya mula sa kanyang kinatatayuan. Habang nag- sisimula na uli siyang mag-ipon ng mga bato na ihahagis sa akin, ay agad akong bumalik sa aking pwesto at muling ipinikit ang aking mga mata. Muli kong sinubukang alisin ang mga aking inisip, at pakiramdaman ang buong paligid. Sa aking isipan ay naririnig ko ang bawat tunog sa aking paligid. Naririnig ko kahit na ang pinaka mahinanh ingay na nasa aking paligid. Naririnig ko ang iba't - ibang hayop na nandito tulad ng ibon, isda , mga maliliit na hayop na tulad ng usa pati na rin ang malaking hippo sa hindi kalayuan. NAririnig ko rin ang galaw ng mga bulate sa ilalim ng lupa at ang mga pagtalon ng mga tipaklong. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito ngunit, sobra akong namangha dahil dito, nagawa ko na ba ang nais ni Akwang ituro sa akin na pag papayapa sa isip at pag mamasid sa paligid? Siguro nga ay nagawa ko na ito dahil hindi ko na pansin ang sakit ng aking likod dahil sa malakas na agos ng tubig.
Muli akong lumanghap ng sariwang hangin at inihanda ang aking sarili dahil naririnig ko ang pag kilos ni Akwa. Nag hahanda na siyang bumato, kung kanina at maliliit lang ang ibinato niya sa akin, ngayon naman ay kasing laki na ito ng mga itlog. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil naririnig ko ang mga galaw niya kaya sigurado akong maiiwasan ko ito. Nabigla ako dahil sa kanyang pag galaw ay narinig ko ang bawat pag galaw ng mga muscle sa kanyang kawatan. Hindi kalakasan ang ibabato niya kaya naman hindi ito aabot papunta sa akin. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan dahil hindi ko na kaylangang umiwas pa. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pag bagsak ng isang bagay sa tubig sa aking bandang tagiliran. Tulad nga ng aking hinala.
Muli kong narinig ang pag galaw ni Akwa at mabilis na sinuri ito. Base sa lakas ng batak ng kanyang mga muscle ay malakas ang kanyang pag kakabato na siguradong tatama sa akin. Muli kong inihanda ang aking saliri at humanda na para umiwas. Ilang sandali pa, bago pa tumama ang bago sa aking ulo at agad kong naiwasan ito. Tumalon ako patungo sa kabilang bato at binalansi ang aking sarili doon. Pinulat ko ang aking mga ng marinig ko ang kanyang pag palakpak sa hindi kalayuan.
"Binabati kita mahal na itinakda, sa maitling panahon ay natutunan mo ang pag kikinig sa kilos ng bawat bagay," Masayang wika niya habang pumapalakpak. Napangiti ako at napayuko bilang tanda ng pag galang sa akin. Maski ako ay nagulat sa aking sarili dahil nagawa ko ang itinuro ni Akwa. "Gamit ang bago mong kakayhan ay maaari mo ng mabasa o marining ang bawat kilos ng iyon kalaban. " Wika sa akin ni Akwa. Muli siyang lumangoy patungo sa akin. Muli niyang nilasap ang sarap ng pag langoy sa talong.
"Maraming salamat Akwa," wika ko sa kanya, sabay talong sa tubig upang lumangoy muli.
"Ako nga ang dapat mag pasalamat sa iyo dahil sa ginagawa mong pag liligtas sa mundong ito," tugon ni Akwa sa akin habang lumalangoy. "Ikaw ang nagiging daan para hindi tuluyang masakop ng kadilim ang buong daigdig."