Christian's Point Of View "Ace naguguluhan ako sa maraming bagay," wika ko sa kanya at saka tumingala sa langit. "Hindi mo naman kailanga isipin ang lahat ng 'yon dahil kusa naman silang masasagot, lahat ng mga gumugulo sayo ay masaagot ng hindi mo mapapansin at maiisip mo na lang na ganun pala 'yon." Napatingin ako sa kanya. Nakatingala rin siya sa langit at tila may iniisip. "Pero may mga bagay talaga akong gustong malaman pero hindi ko talaga mahana ang kasagutan," tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako at ngumiti. "May mga bagay talagang mahirap hanapan ng kasagutan, pero ito ang nag papanatili sa kanila upang hindi makalimutan, tulad ng pag-ibig, maraming depinisyon pero hinahanapan pa rin ng kasagutan, kaya hindi natin nakakalimutan ang pagmamahal," tugon ni Ace. Ang dami niya m

