Christian's Point Of view Muli kaming nabalot ng katahimikan. Tanging ihip lang ng hangin ang aming naririnig. Sa lahat ng mga katanungan ko isa lang namang ang pinaka gusto kong malaman, kung na saan si Lolo. Ang sabi ay kapag namatay ka dito sa paraiso ay walang kasiguraduhan kong saan napupunta ang mga namatay. Nababalot ng misteryo ang buong mundo ng paraiso. Marami ang posible na mangyari. Pero kung na saan man si lolo ay sana okay lang siya. "Kaylan mo pala balak subukan ang tubig ng kaalaman?" nabigla naman ako dahil sa pag sasalita ni Ace. "Pumapayag ka na sa plano ko?" masayang tanong ko sa kanya. "Bakit, may pag pipilian pa ba ako kung 'yon lang naman talaga ag paraan?" tugon niya sakin at saka sa nag iwas ng kanyang tingin. Napangiti naman ako at saka nilingon ang langit.

