Ang Unggoy na si Sage . . Third Person's Point of View "May magagawa ba tayo para mapunan yun?" Muling tumigil sa pag higop si Sage ng kanyang tsaa at nilingon si Ace. "Ang magagawa lang natin ay ang mapalakas si Christian at makompleto ang mga hiya ng pentagram crest," Seryosong wika ni Sage. "Pero para magawa yun ay kaylangan makumbinsi si Jehnny na alisin ang mga itim na hiyas at muli siya makipag tulungan uli sa atin." Sandaling napatigil si Ace dahil hindi niya alam kung kaya nilang makombinsi si Jehnny dahil parang nag iba ang ugali nito. Dati ay isa itong mapagmahal na multo. Noong kasama pa nila ito ay siya ang nag hahanda. Ng mga pagkain nila, sobrang maasikaso ito ngunit nag bago ang lahat ng yun ng mawala si Sebastian ang Lolo ni Christian na nanging itinakda rin noon bag

