Sage
.
Christian's Point of View
"Christian, wag kang bibitaw." Rinig kong wika ng isa sa kanina, hindi ko na alam kung sino ang nag sasalita sa kanila apat.
Sinubukan kong huminga ng malalim upang mabawasan ang sakit. Susubukan ko uling gamitin ang kapangyarihan ko para maibsan ang sakit.
Nagulat ako ng may humawak sa aking kamay at pinigilan ito. Sinubukan ko siyang aninagin kung sino ito. Si Ace. Kalmado ang kanyang mukha ngunit halata sa kanyang mga mata ang pag aalala. Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa ulo.
"Heal." Rinig kong wika niya.
Unti-unti ay nakaramdam ako ng ginhawa. Unti-unti rin nawala ang nararamdaman kong sakit sa aking dibdib. Muling tiningnan si Ace at ngumiti.
Nakaramdam naman ako ng pag kaantok kaya naman. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata.
"Mag pahinga ka na muna." Wika ni Ace bago ako tuluyang makatulog.
.
.
Third Person's Point of View
Kinabukasan ay maagang nagising si Dale para mag luto ng agahan nila ni Christian. Habang nag luluto ay pakiradam ni Dale ay para siyang asawa ni Christian, ngunit wala siyang nararamdaman na pag gusto sa binata, pero dahil nga siya ang babae sa kanilang dalawa siya dapat ang nag luluto sa kanilang dalawa.
Halos patapos na siyang mag handa ng almusal ngunit hindi pa rin bumabangon si Christian sa kanyang higaan kaya naman minabuti katukin ni Dale ang pintuan ng kwarto ni Christian.
"Christ? Gising ka na ba?" Katok ni Dale sa kwarto ng binata. Tinapak niya ang kanyanga tenga sa pinto upang pakinggan kung sasagot si Christian, ngunit kasamaang palad ay maski hangin ay hindi sumagot sa kanya. Muling kinatok ni Dale ang pintuan at sa oras na ito ay biglang bumukas ang pintuan kasabay ang pag ihip ng malakas na hangin. Nag taka naman si Dale dahil hindi naman nakabukas ang bintana kaya naman hindi niya alam kung saan nanggaling ang malakas na hangin na halos umuhip sa kanyang unipome. Napatingin si Dale sa loob ng kwarto ni Christian at nakita niya na wala ng tao sa higaan nito. Pumasok naman si Dale dito upang hanapin ang binata sa loob.
"Christ, Nandito ka ba?" Nilibot ni Dale ang kanyanng paningin sa buong kwarto ni Christian ngunit wala siyang nakita maski anino. Napag pasyahan niya na lumabas na lang dahil baka nauna ng pumasok sa binata.
Hindi pa man tuluyang nakakalabas ang dalaga ay bigla muling umihip ang isang malaks na hangin ngunit sa oras na yun ay malamig ito na tila may ksamang yelo ang pag ihp nito. Napahawak si Dale sa kanyang palda upang pigilan itong tumaas. Ilang sandali lang ay humina ang hangin at isang presensya ang kanyang naramdam sa akanya likuran. Lumingo siya sa kanyang likuran at tumambad sa kanya ang isang hubad na katawan ng isang binata, may umaagos pa dito na mga patak ng tubig.
"Bakit?" Malamig na wika ng binata. Napatingala si Dale at pinag masdan niya ang binatang nag pupunas ng kanyang buhok. Bahagyang napalunok ng kanyang laway ang dalaga. "Tinatanong kita babae bakit nandito ka sa kwarto ko?" Nabalik sa katinuan si Dale at nahihiyang ngumiti sa binat dahil sa kanyang inasta.
"ah-- ano kase-- Nakahanda na yung almusal." Nauutal na wika ni Dale sa binata. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal dahil siguro sa malamig na hangin na umiihip sa kanila paligid. Para siyang nakatayo sa nag yeyelong lugar ngayon dahil lamig na kanyang nararamdaman. Tinitigan lang siya ng binata gamit aang malalamig na mga mata nito. Muling napalunok ng kanyang laway ang dalaga dahil nakakaramdam na ito ng takot sa binata.
'kakaiba siya ngayon.'
"Si---sige sunod ka na lang." Agad na tumalikod ang dalaga at patakbong lumabas ng kwarto at isinara ang pinto. Napahinga ng malalim si Dale at binalikan ang nangyari sa loob.
"Bakit parang kakaiba siya yata ngayon?" Nag tatakang wika ni Dale sa kanyang sarili. Nag kibit balikat na lang siya dahil baka napagod lang ito sa pag sasanay niya kagabi dahil malalim na ang gabi ng dalhin si Christian ng kanilang guro sa kwarto ng walang malay at tila mahimbing ng natutulog. Napailing na lang si Dale at umupo na sa hapag kainan upang mag umpisang kumain.
Halos patapos ng kumain si Dale ng pamag pasyahang ng lumabas ni Christian sa kanyang kwarto ngunit nilagpasan lang siya nito at dumeretso patungo sa pintuan. Hindi na nagawa pang pigilan ni Dale si Christian dahil nakita niya nag tila malamig na usok na nakapaligid dito.
Nag taka naman si Dale dahil sa pag kakaalam niya ay hindi naman ito ang elemento ni Christian. Muli lang siyang nag kibit balikat dahil baka nag mamalik mata lang siya dahil sa pagod. Masyado kasing nag kasiyahan sila kagabi kaya naman kung anu-ano na ang kanyang nakikita.
Dala ang malamig na hangin sa kanyang paligid ay nag lakad patungo si Christian sa opisina ni Ace dahil marami pa siyang natitirang oras bago ang klase nila. Bawat nakakasalubong niya ay napipilitang tumabi upang mag bigay ng daan sa kanya. Wala siyang pakialam kung sino ang madaan niya dahil taas noo lang siya nag lalakad. Abg mga dadaanan niyang estudyate ay hindj mapigilang mapayakap sa kanilang sarili dahil sa lamig ng hangin na dala ni Christian habang siya ay nag lalakad. Para ring nag yeyelo ang kanyang nilalakaran dahil umuusok din ang kanyang maahan at nag iiwan ang kanyang yabag ng isang malamig na hangin.
Nag sisimula ng mag bulungan ang ang estudyante sa kanyang paligid ngunit hindi niya ito pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.
Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa opisina ni Ace. Mukha inaasahan niya ang pag dating ng binata dahil habang nakaupo ito sa kanyang upuan ay nakangiti ito habang nakatingin sa kanyang deretsyon.
"Hinihintay ko iyong pagdating--- Sage." Ngiting wika ni Ace. Napangiti ang binata habang papasok na nag lalakad sa opisina ni Ace.
"Bakit mo ko ginisin?" Malamig na wika nito sa kanya.
"Hindi ko sinasadya, kaylangan kasi muna mamahinga ni Christian dahil mahina pa ang pangangatawan niya sa ngayon,"Serysong tugin nito sa kanya. Nilingon ni Sage si Ace na may halong pag tataka.
"Kung gaun ay hindi pa ako tuluyang magigising kung mahina pa siya?" Napabuntong hininga na lamang si Ace at marahang tumango.
"Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya ni Jehnny, pero kahapon ay naramdam ko na mahina ang pangangatawan niya." Malungkot na wika ni Ace. Napatingin naman si Sage sa kanang kamay niya at pinag masdan ang Pentagram crest.
"Iisa pa lang ang hiyas?" Gulat na wika ni Sage ng makita ang kamay nito.
"Hindi makausad ang kakayanan niya dahil may parang pumipigil sa kanyang katawan," Tumayo si Ace sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Sage. Kinuha niya ang kanang kamay ni Sage at tila pinindot ang gitna ng crest. Nag pakita naman sa kanila ang tila isang hologram ng crest.
"Ano yan?" Tanong ni Sage ng makita ang tila hologram sa kanyang harapan.
"Hindi ko rin alam, pero ang hinala ko ay ayan ang pumipigil para umusad ang kakayahan ni Christian." Tukoy ni Ace sa mga itim na hiyas na nakalagay sa mga dapat kinalalagyan ng nga elemento ng Pentagram crest.
"Sino naman ang walang utak ang gagawa niyan?" Ibinababa na ni Ace ang kamay ni Sage.
"Sino pa ba?" Sarkastikong wika ni Ace at saka umupo sa kabilang upuan na nasa tapat ni Sage.
"Si Jehnny?" Tugon ni Sage. Tumango naman si Ace ng marahan at muling nag buntong hininga.
"Mukhang pinag planuhan ito lahat ni Jehnny, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabas pero sigurado akong ayaw niyang mag katagpu si Christian at ang demon king." Paliwanag ni Ace, hinandal ni Ace ang kanyang likod at ipinikit ang kanyang mga mata.
"Mukhang alam ko na ang dahilan." Bigla namang napadilat si Ace at nilingon muli si Sage.
"Ang ibig mong sabihin?" Tumango naman si Sage bilang sagot.
"Bakit hindi ko agad naisip yun?" Wika ni Ace at saka napasuklay ng kanyang buhok. Muli siyang napikit dahil sa inis.
"Wala ka kasing isip." Malaimig na tugon ni Sage. Napabalikwas naman si Ace sa kanyan kinauupuan at tiningnan ng masama si Sage.
"Anong sinasabi mo?" Inis na wika ni Ace kay Sage. Hindi naman siya pinansin nito dahil abala itong sa pag kumpas ng kanyang kamay upang kumuha ng maiinom.
"Wala naman akong sinasabi," kaswal na wika ni Sage ng makalapag na ang inomin niya sa kanyang kamay.
"Tsk.. Hindi ka pa rin nag babago." Inis na wika ni Ace. Muli lang siyang sumandal sa upuaan ang muli nag pikit ng kanyang mga mata.
"Meron din naman nag bago sa akin." Wika ni Sage sabay higoo ng tsaa sa baso. Muli namang napalingon sa kanya si Ace at tiningnan siya ng may halong pag tataka.
" Ano naman yun?" Tanong sa kanya ni Ace. Nilapag ni Sage ang baso sa may lamesa.
"Simula ng mawala si Sebastian ang Lolo ni Christian ay pakiramdam ko ay may kulang sa akin," Tugon ni Sage sa tanong ni Ace. Lalo naman naguluhan si Ace dahil sa sinabi ni Sage.
"Deretsyahin mo ko Sage." May halong inis na wika ni Ace sa kanya. Napangiti lang ng mapait si Sage at muling humigop ng tsaa.
"Humina ang kapangyarihan ko," Kaswal na wika ni Sage at muling humigop ng tsaa. " Kaya kahit na lumakas pa si Christian ay hindi niya magagamit ang buo kong lakas sa oras na magawa niya akong gisingin." Napakurap ng ilang beses si Ace dahil sa hindi ito makapaniwala. Napabuntong hininga ito at muling napasandal.
"Buti na lang ay nagising ka ngaypn dahip nasabi mo agad ito sa akin," Tiningnan niya si Sage na abalang umiinom ng tsaa. " Anong dahilan ng pag hina ng kapangyarihan mo?" Tanong ni Ace at saka kumuha na kanyang sariling ininom.
"Hindi ko rin alam," Bigla namang naibagsak ni Ace ang kanyang inumin kaya naman nabasag ang baso. Bahagyang napanganga si Ace habang nakatitig kay Sage
"Ang akala ko pa naman alam mo!!" Bulway ni Ace sa kanya ngunit patuloy lang ito sa pag inom ng kanyang tsaa. Naisip ni Ace na kahit anong bulyaw niya dito ay hindi ito papansinin ni Sage dahil waka ito kahit sinong pinapakinggan kundi ang itinakda. Napabuntong hininga na lang si Ace dahil wala namam siyang magagawa kahit mag himutpk siya ay hindi naman mababalik nito ang nawalang kapangyarihan ni Sage.
"May magagawa ba tayo para mapunan yun?" Muling tumigil sa pag higop si Sage ng kanyang tsaa at nilingon si Ace.
"Ang magagawa lang natin ay ang mapalakas si Christian at makompleto ang mga hiya ng pentagram crest," Seryosong wika ni Sage. "Pero para magawa yun ay kaylangan makumbinsi si Jehnny na alisin ang mga itim na hiyas at muli siya makipag tulungan uli sa atin." Sandaling napatigil si Ace dahil hindi niya alam kung kaya nilang makombinsi si Jehnny dahil parang nag iba ang ugali nito. Dati ay isa itong mapagmahal na multo. Noong kasama pa nila ito ay siya ang nag hahanda. Ng mga pagkain nila, sobrang maasikaso ito ngunit nag bago ang lahat ng yun ng mawala si Sebastian ang Lolo ni Christian na nanging itinakda rin noon bago pa si Christian. Naging malamig ang pakikitungo nito sa iba pang mga Guardians. Lalo pang nag bago ito ng ipinanganak ang susunod na itinikda at kadugo ito ni Sebastian. Agad siyang nag presenta na siya ang aalalay dito mula pag kabata nito hanggang sa itinakdang oras.
Nagawa naman niya ang kanyang misyon hanggang makarating dito si Christian ngunit niligaw naman niya ito ng landas.
"Nararamdaman ko na ang presensya ni Jehnny na nag hahanda na ito sa pag punta rito." Muling wika ni Sage habang humihigop ng tsaa. Hindi naman na nabigla si Ace dahil inaasahan na niya ito.
"Sage.." Muli namang napatigil si Sage sa pag higop ng tsaa at nilingon si Ace.
"Bakit?" Malaimig na wika nito.
"Bigyan mo ko ng pabor," Seryosong wika ni Ace sa kanya. "Ikaw muna ang komuntrol sa katawan ni Christian habang hindi pa siya handa." Muli namang napahigop ng tsaa si Sage habang nililingon si Ace.
"Pano naman yung babaeng kasama niya sa kwarto? Sigurado akong nakaramdam na siya na hindi ako si Christian." Napalingon sa kanya si Ace.
"Ikaw na bahala sa kanya." Napangiti naman ng nakakaloko si Sage dahil sa winika ni Ace. Sa totoo lang ay wala na siya pakialam kung ano man ang gawin ni Sage kay Dale dahil ang inaalala niya lang ngayon ay si Christian nakasalukuyang natutulog ka kanyang pag katao.
Si Sage ang katauhan ng itinakda na nag dadala ng matinding kapangyarihan. Siya ang katauhan ng Pentagram Crest na natutulog sa loob ng katawan ng itinakdan. Sa oras na makompleto ng itinankda ang mga hiyas ng crest ay maaari na siyang gumising ay handa na siyang ibigay ang kanyang kapangyarihan sa itinikda.
"Sige tutuloy na ako may gagawin pa ako bago mag simula ang klase namin."