Pain . Christian's Point of View " Sa ngayon dahil naipasa mo na ang aking pag subok, ako ang mag tuturo sa iyo kung paano mo ako magagamit bilang iyong armas, hindi yun magiging madali tulad ng inaakala mo." Bigla naman akong nag karoon ng interes sa kanyang sinasabi. "Tulad ngayon unti-unti mo ng mararamdam ang pag kapagod mo dahil sa pag atake mo sa kalaban mo kanina." Bigla naman akong nag taka sa kanyang mga sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at tumingala sa langit upang pag masadan ang buwan. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. "Sa ngayon dahil sa atrasyon ng bato ng demonyo sa akin at pag kasabik mo, ay hindi mo pa mararamdaman ang pag iyong pag kahina, kung mangyari yun ay makakaramdam ka ng paninikip ng dibdib, p

