Killing is the only solution . Christian's Point of View "Bakit ganun?" Isang imahe ng babae ang lumabas sa talim ng aking espada at nag wika. " Bakit tila may kulang pa din sa ginagawa natin?" Biglang umahon ang espada mula sa aking kamay at ito'y nag liwanag, lumapag ito na ayong isang dalaga. "May problema ba?" Nag-tataka kong wika at saka siya tiningnan. "May kulang pa ba sa ginagawa ko?" Malungkot niya lang akong tiningnan at saka nag labas ng isang malalim na buntong hiningan. " Para kasing may kulang sa ginagawa natin," Wika niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Dapat madadagdagan ang mana natin pareho dahil sa suot mong baluti." Nilagay niya ang kayang kanang kamay sa kanyang baba at ipinamiwang ang kaliwa. Tila siya'y nag-iisip habang sinusuri akong maigi ng kanyang

