Pag lalakbay Patungo kay Roldan part 2 . Christian's Point of View "Ang sarap talaga mag luto ni Kein,." Bulalas ni Jehnny na sa wakas ay nag salita na din. "Walang katulad." Dugtong niya saka sumubu ng sopas na luto ni Keina. Pagkain lang pala ang mag papagaan ng pakiramdam niya. Parang nabuhayan ang aking loob dahil nakita ko nang nakangiti si Jehnny. Pero hanggang ngayon ay hind niya pa ako kinakausap. "Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na sopas." Halos sunod-sunod kung sumubo ng sopas na luto ni Keina si JM , na halos mabilaukan na ito dahil parang hindi na siya ngumungauya. Ngumiti lang si Keina ang muling nag sandok ng sopas sa may katamtamang laki na kawali at isinalin sa kanyang mangkok. "Naku kung ikukumpar yan sa mga luto ng mga tanyag na taga luto dito ay walang

