Panibagong Away . . Christian's Point of View Ilang araw din ang lumapas bago ako tuluyang nakakilos ng maayos. Unti-unti ay sinanay ko muli ang aking katawan sa pakikipag laban, dahil maaari pa rin kaming mapalaban sa pag tungo namin sa Royal City. Isang linggo mula ngayon ay tutungo na kami roon. Ang Royal City ay ang tirahan ng mga Royal Clan na binubuo ng pitong sektor, Ang Scarlet , Marmalade, Golden , Cyan ,Sky , Lilac at ang Lavander. Bawat isa sa clan ay may iba't ibang antas ng kakayahan. Iba't iba rin ang kanilang kultura at paniniwala ngunit iisa sila ng layunin ang protektahan ang Virgin Grimoire at ngayong hawak na nila ito ay hindi na nila ito papakawalan pa kaya dapat hindi nila malaman ang pakay naming kunin si Jessy sa kanila. Sinubukan naming tingnan ang kalagayan

