Chapter 34

1026 Words
Matutuong Mag tiwala . . Christian's Point of View . "Bakit nga pala mag isang kumakain si Ate Jehnny sa kusina ngayon?" Tanong ni Kiana sa amin, napatigil ako sa akong pag kain sandali at nag kibit balikat na lamang at nag patuloy sa pag kain. Alam kong tinitingnan nila ako ngayon pero wala akong pakialam dahil wala pa akong magagawa sa nararamdaman ni Jehnny sa ngayon. Hahanap na lang ako ng paraan para mapaintindi sa kanya ang tunay na nararamdaman ko sa kanya. Oo mahal ko siya pero hangga't may nararamdaman akong meron siyang tinatago sa akin ay hindi mawawala ang pag dududa ko kanya. Muli akong napatigil sa aking pag kain ng may isang kamay ang humawak sa aking balikat. Nilingon ko ang may ari ng kamay at nag tatakang tiningnan. "Dapat mag usap na kayo at hindi patagalin ang away niyo, kung ano man yun." Mahinahong wika ni Roldan sa aking napangiti na lang ako ng pilit dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jehnny. Muling tinapik-tapik ni Roldan ang aking balikat bago bumalik sa pagkain. Nag buntong hininga na lang ako at bumalik sa aking pagkain. Binago ni JM ang mood ng lahat gamit ang pag papatawa niya ngunit ako ay nanatiling nakangiti lang habang tinitingnan sila. Panay kain lang ako habang sila ay nag kakatuwaan. Nangingiti na lang ako kahit wala talaga ako sa wisyo na tumawa para lang hindi ko masira ang mood ng lahat. Siguro nga'y tama lang ang mag saya kami ngayon bago kami humarap sa darating na pag subok sa amin dahil hindi namin alam kung ano ang nag hihintay sa amin sa Royal Island. Kumagat ako sa aking hawak na karne ng baboy ramo na mismong si Kiana ang nang hunting. Kasing lasa rin ito ng baboy pero mas masarap at mas malambot ang karne. May parang kakaibang lasa rin ito habang nginunguya, at hindi lang yun para itong natutunaw sa bibig sa sobrang lambot ng karne. Sobrang lasa at linamnam talaga nito na tila makakalimutan mo ng huminga sa sarap. Kumuha ako ng isang hiwa ng prutas sa nakahain na fruit salad at kinain ito. Tulad ng karne ng baboy ramo ay kakaiba rin ang sarap nito. Lasa itong mansanas na may asim ng tulad sa lemon at tamis ng parang sa strawberry. Bawat pagkain talaga dito ay kakaiba kaya hindi ka mag sasawang kumain nang kumain dito. Siguro pagbalik ko sa mundo namin ay sobrang taba ko na sa kakakain. Muli akong napatigil sa aking pagkain dahil may bigla na namang sumagi sa aking isipan. Paano kung hindi na kami makakabalik? Sa kalagayan namin ngayon ay pwede kaming mamatay sa paglalakbay namin at hindi na kami makabalik sa mundo namin. Ang ibig sabihin lang nito ay dapat maging mas malakas pa ako para maibalik ko ng ligtas ang mga kaibigan ko. Pero ang sabi ni Lancelot kung hindi kami  magiging isa ni Jehnny ay hindi namin makakamtam ang lakas na nakatago sa amin kaloob-looban. Siguro kaylangan ko munang pahupain ang galit na nararamdaman ni Jehnny para sa akin bago ko siya kausapin ng maayos. May gusto rin akong malaman sa kanya at kompermahin.  Hindi ko naman gustong mag duda sa kanya pero ayun kasi talaga ang pinapakita niya sa akin. Sa bawat kilos niya ay tila meron siya iniiwasan at itinatago. Minsan naman ay nadudulas siya kaya naman binabawi niya ang kanyang sinasabi bigla. Kaya naman minsan naiinis ako sa kanya. Wala kaming opisyal na relasyon dahil na rin sa maraming hindi namin pag kakaintindihan, ito rin ang rason kung bakit lumalayo ang loob ko sa kanya. Minsan talaga magulo ang mga babae , ang hirap intindihin. "Lot tapos ka na ba kumain?" Nabalik ako sa aking wisyo ng tawagin nila ang pangalan ko. Napatingin ako sa kanila, hindi maipinta ang mukha nila habang nakatingin sa akin na akin namang pinag tataka. "Bakit?" Inosenteng tanong ko sa kanila. Nginuso ni JM ang aking plato, nilingon ko ito at wala na pala itong laman. Siguro habang malalim ang aking iniisip ay hindi ko namalayan na ubos na pala ang aking kinakain. Napabuntong hininga lang ako at muling kumuha ng karne ng baboy ramo dahil ubod talaga ito ng linamnam. "Mukhang malalim ang iyong iniisip mahal na itinakda?" Napatingala ako sa aking likuran ng may mag salita mula rito. Nakabalik na pala si Lancelot. Napangiti ako ng mapait sa kanya. Umupo siya sa aking tabi at sumalo sa amin sa pagkain. "Masyado ka namang magalang, Christ na lang kasi ang itawag mo sa akin." Sagot ko sa kanya at muling bumalik sa pagkain. "Huwag mong ibahin ang usapan mahal na itinakda," Wika ni Lancelot at saka dumampot ng karne. "Kita ko sa iyong mga mata na may malalim kang iniisip." Nilingon ko siya at pinag masdan habang kumakain ng karne ng baboy ramo. "Hindi naman gaaano ka importante ang iniisip ko." Sagot ko sa kanya at saka muling bumalik sa pagkain. "Hindi ba't ubod ng linamnam ang karne ng baboy ramo?" Bulalas niya, muli ko siyang nilingon, sarap na sarap siya sa kanyang pag nguya ng karneng kanyang kinakain. Pinag mamasdan ko lang siya habang masayang kumakain ng karne.. "Hindi mo ba alam na ang baboy ramo ay para rin alagang baboy? Ngunit noon nakalaya sila sa kanila kulungan ay namuhay sa kagubatan ay natutunan nilang mag tiwala sa kalikasan upang maging kaisa nila ito." Makahulugan wika niya sa akin at saka nilunok ang kanyang kinakaing karne. Kinunotan ko lang siya ng noo at bumalik sa aking pagkain. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya dahil para itong malayo sa katutuhanan. " Dapat matuto kang mag tiwala sa kanya, hindi porke may iniiwasan siyang malaman mo ay hindi mo na siya pag kakatiwalaan, dahil minsan ang pagtatago niya ng isang sekreto ay makakabuti rin sa kanya at iyo," Muli Akong napatigil sa aking pagkain. Bigla kasi akong natamaan sa sinabi niya. Pero alam kong para sa akin talaga ang sinabi niya. "Basta't mag tiwala ka lang sa kanya." Muling wika niya bago niya kaming tuluyang iwan sa aming pagkain at tuluyang lumisan. Bigla akong napaisip sa kanya sinabi. Dapat lang matutu akong mag tiwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD