Chapter 35

1789 Words
Meeting Ace, Guardian of Spirit . . Christian's Point of View "Hindi ba't ubod ng linamnam ang karne ng baboy ramo?" Bulalas niya, muli ko siyang nilingon, sarap na sarap siya sa kanyang pag nguya ng karneng kanyang kinakain. Pinag mamasdan ko lang siya habang masayang kumakain ng karne.. "Hindi mo ba alam na ang baboy ramo ay para rin alagang baboy? Ngunit noon nakalaya sila sa kanila kulungan ay namuhay sa kagubatan ay natutunan nilang mag tiwala sa kalikasan upang maging kaisa nila ito." Makahulugan wika niya sa akin at saka nilunok ang kanyang kinakaing karne. Kinunotan ko lang siya ng noo at bumalik sa aking pagkain. Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya dahil para itong malayo sa katutuhanan. " Dapat matuto kang mag tiwala sa kanya, hindi porke may iniiwasan siyang malaman mo ay hindi mo na siya pag kakatiwalaan, dahil minsan ang pagtatago niya ng isang sekreto ay makakabuti rin sa kanya at iyo," Muli Akong napatigil sa aking pagkain. Bigla kasi akong natamaan sa sinabi niya. Pero alam kong para sa akin talaga ang sinabi niya. "Basta't mag tiwala ka lang sa kanya."  Muling wika niya bago niya kaming tuluyang iwan sa aming pagkain at tuluyang lumisan. Bigla akong napaisip sa kanya sinabi. Dapat lang matutu akong mag tiwala ayan ang sabi ni Lancelot. Pero paano? Mahirap mag tiwala kay Jehnny lalo pa't hindi ko siya gaanong kilala. Pero kahit ganun ay minahal ko siya agad kaya siguro hindi naman masama kung mag titiwala ako sa kanya. Pero bago yun dapat makausap ko siya para na rin mag kalinawan na kaming dalawa. Muli akong nag buntong hininga at tinapos na aking pagkain. Pagkatapos namin kumain ay nag pahinga sila saglit at bumalik na sa pag sasanay. Dahil hindi pa naman ako sasanayin ni Lancelot ay nag pag desesyonan kung pumunta muna sa hot spring sa loob ng mansyon. Tulad nga nang sabi ko noon ay halos kompleto na ang lahat dito sa loob ng mansyon dahil kahit hot spring ay meron sila. Siguro sa mga resort ko lang nakikita ang ganito sa mundo namin dahil karamihan sa mga may hot spring na resort ay malalapit sa mga bulkan. Nag banlaw muna ako ng aking katawan at sinabon ang aking ulo para malinis ako sa pag lublub ko sa hot spring. May kalakihan din ang hot spring na ito dahil may iba't- ibang klase ng mga paliguan dito, meron Jacuzzi , salt bath, at iba pa. Sa sobrang laki nito ay pwede mag kasya ang sengwentang tao pero dahil ako lang naman mag isa ang nandito ay solo ko ang buong hot spring. Pag katapos kong mag banlaw ay agad akong lumublob sa Jacuzzi, dahil kagagaling ko lang sa pag kakaratay ay hindi ko pa rin magalawa ng maayos ang aking katawan at medyo nanakit pa rin ito. Pagkaupo ko ay agad kong pinikit ang aking mga mata, ramdam ko ang ginhawa sa aking katawan ng lumapat ang aking katawan sa tubig. Para nitong pinapagaling ang aking mga sakit sa katawan. Sobrang nakakaginhawa sa pakiramdam. Pinayapa ko ang aking isipan habang milalasap ang aking Me time. Ngayon lang uli ako napag isa ng ganito simula ng mapunta ako rito.  Marami na agad naging problemang kinaharap ng makarating ako rito, problemang hindi matapos- tapos. Gusto ko na agad matapos ang lahat ng ito para na rin makabalik na kami sa mundo namin pero hindi magiging madali yun dahil kailangan ko pang makompleto ang elemento ng Pentagram crest. Tinaas ko ang aking kanang kamay kung na saan ang Pentagram Crest. Kulang pa ako ng 4 na elemento ang Air, Fire , Water at ang Earth, Ang apat ng basic element kung tutuusin pero ang hirap hanapin, sa totoo lang hindi ko pa naman alam kung pano makikita at makukuha ang mga ito. Ang alam ko lang ay para matalo si Taitus ay kaylangan kong kompletuhin ang ang Elemento ng Pentagram Crest. Hindi ko pa din alam kung pano ko gagamitin ang Pentagram Crest kay Taitus. Sana naman ay sabihin na ni Jehnny ang lahat sa akin. "Pwede naman na ako ang mag sabi sa iyo." Bigla akon napatayo nang marinig ko ang isang hindi pamilya na boses na lalaki. Bigla akong naalerto dahil kung kalaban man ito ay hindi ako makakalaban dahil wala si Jehnny.. "Sino ka? Mag pakita ka sa akin." Sigaw ko sa buong kwarto. Narinig ko ang kanyang pag tawa at bigla naman g umilaw ang aking Crest. Anong nangyayari? Lalo pang naging nakakasilawa ang liwanag na nag mumula dito. Iba ang ilaw na ito kaysa sa ilaw sa tuwing lumalabas si Jehnny mula sa crest, kulay Lila ito at nag dadala ng kakaibang init. Kung ikukumpara ito sa liwanag ni Jehnny, ang kay Jehnny ay kulay puti at may dalang mahinang hangin na marahang umiihip. Unti-Unting humupa ang liwanag at lumitaw mula dito ang isang lalaki na mukhang Genie. Nakasuot ito ng mahabang bloomer na kulay Lila at may gintong anklet at bracelet din siya tulad ng kay Jehnny. Wala rin siyag suot na pang itaas ngunit maganda ang kanyang katawan at kung isa akong babae kanina pa ako nag lalaway ang kaso isa akong lalaki kaya hindi ako interesado. Meron din siyang gintong kurona na suot niya sa kanyang ulo at may mga tila na lace ang lumulutang na nakasabit sa kanyang mga braso, sa kabuuan ay para siyang si Vale sa ML. "Isang pagbati sa iyo mahal na itinakada." Wika nito sa akin sabay yumuko natila isang knight habang nakalutang siya sa may ere. "Si-sino ka?" HIndi makapaniwalang tanong ko sa kanya. " At saka bakit ka galing sa aking Crest?"  Hinarap niya ako at ngumiti. "Hindi mo ba ako naaalala? Minsan na tayo nag kaharap," Tugon niya sa akin ngunit hindi ko talaga siya maalala. "Hindi bale hindi mo talaga ako maaalala dahil noong mga panahon na iyon tayo ay mag kawangis." BIgla naman bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari noong huli naming pagkikita ni Lolo. "Sino ka ba kasi talaga?" Muli kong tanong sa kanya. Lumapag siya sa may lupa at hinubad ang kanyang kasuutan. Lumutang ang kanyang kasuutan palabas at tumungo ito sa lagayan ng mga kasuotan. "Ako si Ace isa akong multo at ang iyong guardian of Spirit," Kaswal na wika niya habang lumulublub sa issa ang mga jaccuzi. "Ang tagal na rin simula ng makapag jaccuzi ako ng ganito." Nag tataka pa rin ako at hindi ko siya maintindihan. "Ako dapat ang mag hahatid sayo sa iyong patutunguhan ngunit nag matigas si Jehnny na hindi iwan ang pwesto niya." Lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. Sino ba talaga ang lalaking 'to. "Hindi kita maintindihan, pwede bang linawan mo ang mga sinasabi mo?" Muli lang siya humalakak ng malakas at nilingon ako. Naramdaman ko ang aking pag angat sa aking kinatatayuan at sa isang iglap lang ay nakaupo na ako sa kanyang harapann. "Umupo ka lang diyan at ipapaliwanag ko sayo ang ayaw sabihin ni Jehnny sayo," Sinunod ko naman ang sinabi niya at nag buntong hininga saka siya tiningnan. "Kaming elemento ng pentagram crest ay mga tinatawag na Guardians, kami ang gumagabay sa mga itinakda at nag bibigay ng kapangyarihan upang matalo si Taitus, Ngunit sa nakalipas na ilang daang taon ay bigo pa rin kaming mapatay si Taitus kaya naman heto kami at isa pa ding multo." Paliwanag ni Ace at saka isnandal ang kanyang likod sa may ssandalan. Kung tama ako ng pagkakaintindi siya at si Jehnny ay isang Guardian ghost na gagabay sa akin. "Kada mag papalit ng itinakda ay nag papalitan kami upang maunang gumabay sa itinakda at sanayin ito sa abot ng makakaya namin, at sa lagay mo ngayon hindi ginagawa ni Jehnny ang Trabaho niya," Dugtng niya. Naging Seryoso naman ang kanyang mukha nang mabanggit niya ang tungkol kay Jehnny. "Hindi ko alam kung ano ang nasa isipi ni Jehnny, ang alam ko lang hindi maganda ito." Nag salubong naman ang aking mga kilay dahil sa kanyang mga sinabi. "Anong ibig mong sabihin na masama ang balak ni Jehnny?" Seryosong tanong ko sa kanya. Nilingon niya lang ako at tinitigan sa aking mga mata. "Hindi ko sigurado kung ano yun pero dapat na pigilan ko ang mga balak niya sayo," Seryosong tugon niya sa akin at nag buntong hininga. "Hindi totoo na pag wala siya sa loob ng crest ay hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo." Bigla ako nakaramdam ng panlalamig sa kanyang isiniwalat. "Pero bakit noong ginamit ko ang aking kapangyarihan ay nawalan ako ng malay?" Tanong ko sa kanya. Napasuklay si Ace na kanyang buhok at saka muling nag buntong hininga. "Dahil yun sa pag kabigla ng iyong katawan sa pag gamit mo, hindi mo pa kasi lubos na sasanay ang iyong kapangyarihan, binigyan lang ito ng kahulugan ni Jehnny para isipin mo na mahina ka pag wala siya." Para akong napatulala sa kanyang mga sinabi. Pero bakit kaylangan gawin yun ni Jehnny sa akin. Ano ba talaga ang balak niya.? "Totoo ba yang mga sinasabi mo sa akin?" Muli niya akong tiningnan at ngumiti. "Bakit hindi mo subukan gamitin muna ang Angel's wings?" Wika nito na tila sigurado siya sa kanyang sinasabi. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka hindi ko muli makaya ang akking kapangyarihan at mawalan na naman ako ng malay. "Mag tiwala ka lang sa sarili mo." Mariing wika ni Ace. Muli ko siyang tiningnan at nag buntong hininga. Muli akong tumayo at ipinikit ang aking mga mata. "Angel's Wings." I chant. Naramdaman ko an ang init sa aking likuran. Napatingin ako kay Ace dahil ramdam ko pa rin ang kaba. "Subukan mong lumipad." Seryosong wika nito. Tumango lang ako at sinunod ang kanyang sinabi. Dahil maluwag naman ang kwarto ay malaya akong nakalipad ng walang inaalala. Natuwa ako dahil hindi ko nararamdaman ang panghihina sa aking katawan tama nga si ACe, kaya kong gamitin ang aking kapangyarihan kahit wala si Jehnny sa loob ng crest. Lumapag ako sa harapan ni ACe at tiningna siya. "Naniniwala ako sayo." Sabi ko kanya. Tumayo naman siya sa kanyang kinauupuan at tinawag ang kanyang mga damit mula sa lagayan at kusa itong sumuot a kanyang katawan. Ganun din ang ginawa niya sa aking mga damit kaya naman kusa rin itong sumuot sa akin. "Kung gayon ay sumama ka sa akin." WIka niya sabay abot ng kanyang kamay. "Saan tayo pupunta?" Tugon ko sa kanyang habang pinag mamasdan ng kanyang nakalahad na kamay. "Sa lugar ko kung saan ituturo ko sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman." Nilingon ko siya ng may pag aalinlangan. "Pero paano ang mga kaibigan ko?" Ngumiti lang siya at kinuha ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit. "Huwag kang mag alala babalik din tayo sa oras na handa ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD