Chapter 36

1254 Words
Ang Galit ni Jehnny . . Christian's Point of View "Naniniwala ako sayo." Sabi ko kanya. Tumayo naman siya sa kanyang kinauupuan at tinawag ang kanyang mga damit mula sa lagayan at kusa itong sumuot a kanyang katawan. Ganun din ang ginawa niya sa aking mga damit kaya naman kusa rin itong sumuot sa akin. "Kung gayon ay sumama ka sa akin." WIka niya sabay abot ng kanyang kamay. "Saan tayo pupunta?" Tugon ko sa kanyang habang pinag mamasdan ng kanyang nakalahad na kamay. "Sa lugar ko kung saan ituturo ko sa iyo ang lahat ng dapat mong malaman." Nilingon ko siya ng may pag aalinlangan. "Pero paano ang mga kaibigan ko?" Ngumiti lang siya at kinuha ang aking kamay at hinawakan ng mahigpit. "Huwag kang mag alala babalik din tayo sa oras na handa ka na." Tugon ni Ace sa akin. Marahan akong tumango at nag bubtong hininga. Muli kong nilabas ang aking pakpak at sinabayan si Ace sa kanyang pag lipad.  Kumapit ako sa kanya ng maigi upang hindi ako mawala sa aaming pupuntahan. Habang nasa himpapawid kami ay napalingon ako sa mansyon nila Keina at napangiti. 'pasensya na kung aalis ako ng walang paalam, pangako babalik akong malakas para maibalik ko kayo sa mundo natin.' Muli kong binalik ang aking tingin sa aming dinadaanan. Sobrang gandda pala dito sa taas. Mula dito ay kita mo amg buong nayon ng mga demonyo. Ang akala ko noong una ay walang magandang bahagi ang nayon ng mga demonyo. Kung mag papadala ka at aayaw agad sa nakikita mo sa iyong nakikita sa pag pasok mo pa lang ng nayon ay hindii mo makikita ang magandang tanawin na nasa bantay gitna ng nayon. Ang nayon pala ng demonyo ay isang pabilog na nayonn at nasa gitna nito naninirahan ang mga mabubuting demonyo. Napatigil ako ng tumigil din sa pag lipad si ACe. Humarap ito sa akin at ngumiti. Hinawi niya ako papunta sa kanyang likuran uang itago. Nagulat na lang ako ng may biglang isang malakas na hangin ang umihip papuntang dereksyon namin. Muntikan na akong tangayin pero buti na lang ay napigilan ni Ace ang aking pag talsik gamit ang isa sa mga lace sa damit niya. Para itong may sariling buhay na nakapulupot sa aking bewang at pinipigilang akong matangay ng hangin. "Maraming salamat Ace." Inalis ko ang pag kakatakip ng aking braso sa aking mukha at nilinngon si Ace. Hindi pa rin tumitigil ang pag ihip ng malakas na hangin kaya naman hindi ako binibitawan ng lace ni Ace. "Saka ka na mag pasalamat." Napansin ko na tila nahihirapn si Ace sa isang bagay na kanyang pinipigilan gamit ang kanyang mga kamay. Sinilip ko ito at doon o nakita si Jehnny na nga pupuyos sa galit at pilit na tinutulak si Ace. Napayukom lang ako ng aking kamao at lumapit sa kanya. "Bakit mo kami sinundan?" Inis na wika ko sa kanyaa. Kumalma ang kanyang mukha at tumigil din ang malakas na hangin kaya naman bumitaw na si Ace sa akin. Bahagyang napaatras si Ace habang hawak ang kanyang braso na bahagyang nasugatan. Lumapit sa akin si Jehnny at agad akong niyakap. "Tara na mahal ko bumalik na tayo sa mga kasamahan natin." Malambing na pag mamakaawa niya sa akin. Inalis ko ang kanyang mga braso na nakayakap sa akin at bahagya siyang tinulak palayo sa akin. "Kay Ace muna ako sasama sa ngayon, saka na ako babalik pag malakaas na ako." Malamig na wika ko sa kanya. Bigla naman nalungkot ang itsura niya at galit na nilingon si Ace. "Anong sinabi mo sa kanya Ace?" Galit na sa sigaw ni Jehnny kay Ace. Muling nag simula sa pag ihip ng hangin ngunit hindi ito kalakasan hindi tulad kanina ngunit ramdam ko ang init na nag mumula rito. Napatingin ako kay Ace na kasalukuyang nakatingin kay Jehnny ng malamig. "Lahat ng bagay na dapat niyang malaman na itinatago mo sa kanya." Malamig na tugon ni Ace kay Jehnny. Napakuyom ng kamao si Jehnny at muli akong nilingon. "Naniniwala ka ba sa kanya mahak ko? " Tanong ni Jehnny sa akin at hinawakan ang aking kamay at tiningnan ako sa aking mga mata. "Hindi ka dapat naniniwala sa manloloko na tulad niya mahal ko, kung ano man ang sinabi niya sa iyo ay hindi totoo." Hinawi ko ang kanya kamay at bahagyang umatra palayo sa kanya. Lumapit ako kay Ace upang tingnan ang kalagayan niya. May malaki siyang hiwa sa kanyang kanang kamay na natamo niya ng pigila niya ang ni Jehnny. "Alam naman natin kung sino ang manloloko sa inyong dalawa Jehnny, naniniwala ako kay Ace dahil napatunayan niya ang kanyang sinasabi at isa na run ang kakayahan kong gamitin ang kapangyarihan ko kahit wala ka sa loob ng crest." Malamig ko wika sa kanya at hinawakan ang brasi ni ace na nasugatan at pinagaling ito. Napatulala na lang si Jehnny sa kanyang lugar na tila isang kriminal na nabisto sa kanyang krimin. Napabuntong hininga na lang ako at hinarap si Ace upang ipag patuloy ang pang gagamot sa kanya. Hinawakan ko ang aking dibdib at nag chant upang ilabas ang Mana Armor. Dahil doon ko lang napag tanto na ito pala ang pumipigil sa pag daloy ng aking Mana sa aking katawan. Inalis ko ito at ibinagsak pababa sa lupa, dahil nasa labas na kami ng nayon ay gubat na ang babagsakan nito at walng masasaktan. Muli kong sinubukang gamitin ang aking kapangyarihan ngunit iba ang chanting. "Heal." Mahinang wika ko at doon ay agad na nawala ang malaking sugat ni Ace sa kanyang braso. HIndi lang ako binigya ni Jehnny ng bagay na mag papabagal ng pag daloy ng aking Mana ngunit pati maling chanting ay ibinigay niya sa akin. Muli umihip ang malakas na hangin kaya naman napalingon ako kay Jehnny na mukhang galit na galit na talaga. Nag sisimula na ring mag karoon ng mga buhawi sa paligid na pwede makapinsala sa nayon at sa mga taong nandoon. Itinapat ko ang aking kamay sa dereksyon ni Jehnny at humugot ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at inikom ang aking kamay. Hindi nga ako nag kakamali tumalab ang aking plano, tumigil na ang malakas na ihip ng hangin at nawala na rin ang mga buhawi. Dahil isa sa aking mga guardian si Jehnny ay may kakayahan akong patigilin siya at patulugin pansamantala. Hindi ko alam kung bakit ko ito naisip pero natuwa ako dahil gumana ito. Bigla namang bumagsak ang katawan ni Jehnny pababa kaaya naman agad kong inutusan ang isang malaking ibon upang kunin siya at dalhin pabalik siya sa mansyon nila Keina. Napabuntong hininga ako ng malalim. Napatingin kay Ace ng tapikin niya ang aking balikat. "Pano mo nagawa yun?" Manghang tanong niya sa akin. "Hindi ko rin alam, basta bigla na lang pumasok sa isip ko." Kaswal na sagot ko sa kanya habang pinag mamasdan ang ibon na lumilipad na sakay ang walang malay na si Jehnny. Pareho lang namin itong pinag masdan habang palayo ito sa amin. Muli akong tinapik ni Ace sa Balikat senyales na kaylangan na namin umalis. Tumango lang ako dahil mukhang alam ko na kung saan kami pupunta dahil pakiradam ko ay nakapunta na ako roon. Mukha nabasa naman ni Ace ang aking balak kaya naman tumango ito ay nanatiling malapit sa akin habang nakahawak sa aking kanang balikat. ibinuka ko ang aking pakpak at unti-unti kaming binalot ito upang dalhin kami sa lugar na dapat naming puntahan ang lugar kung saan susubugin ako bilang ang itinakda ng langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD