The Transformation . . Christian's Point of View "Ikaw din naman nag bago." Napatigil ako sa pag lalakad kaya naman napatigil din sila. Tinapik ako ni JM sa balikat at niyaya niya si Keina na mag tuloy sa pag lalakad. Tiningnan ko lang ang kanilang likuran habang sila ay nag lalakad palayo sa akin. Hindi ko lubos maisip ang sinabi sa akin ni JM dahil hindi ki agad ito maproseso sa aking isipan. Muling itong umikot sa aking isipan. Napatulala na lang ako dahil dito. 'Nag bago ba talaga ako?' Muli ko lang tiningnan ang likod nila JM at Keina na nag lalakad papalayo sa akin. Natauhan lang ako ng mawala na sila sa akin paningin. Napabuntong hininga na lamang ako at nag mula muling mag lakad. Since hindi naman nakakaligaw ang mga pasilyo dito ay agad kong natuntun ang silid namin ni Jehn

