Melancholy of Roldan . . Christian's Point of View "Sinubukan ko din tingnan ang kalagayan ng girlfriend ko, at syempre ayun kaya pala nawawala siya nun nakikipag talik pala siya doon sa boy best friend niya daw, " Naging malamig ang mga mata ni Roldan habang nilalabas ang devil's screen na katulad din ng kay Jehnny at pinakita ang nakita niya noo sa party. " Sobrang bigat sa pakiramdam lang, ako na hindi siya ginalaw dahil sobrang laki ng respeto ko sa kanya tapos mag papagalaw lang siya sa iba at doon pa sa best friend niya." Pinitik niya ang kanyang kamay kaya naman biglang nawala ang devil's screen niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Roldan dahil sa ekspresyon ng kanya mga mata. Sabi ko na nga ba't alam niya ang kataksilan ng nobya niya. "Buti na lang at may ebede

