Chapter 58 Enrico Pagkatapos tahiin ng doktor ang kilay ko umuwi na muna ako sa mansion upang magbihis. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Ruby Rose dahil alam ko naman na wala siyang pakialam. Saka isa pa baka hindi ako makapagpigil at mabaril ko ang lalaking iyon na sumuntok sa kilay ko. Nasa ICU pa rin si Papa at hindi pa rin ito nagigising. Kumuha ako ng nurse na magbabantay sa aking ama. Pagdating ko sa mansion nagtataka ako na tahimik ang bahay. Minsan kasi nasa sala si Emerald. Libangan niya ang maggansilyo ng mga gamit ng kaniyang magiging anak. Nagtungo muna ako sa aking silid at ilang minuto nagbabad sa aking Jacuzzi. Ininiisip ko na baka nasa likod bahay si Emerald kasama si Manang. Pagkatapos ng ilang minuto kong pagbabad sa Jacuzzi umahan na ako upang mag-showe. Habang n

