Chapter 57 RUBY ROSE Susubukan sana sugurin ng suntok ni Enrico si Joseph, ngunit umikot si Enrico sa gilid ng kama. “Bakit tumatakbo ka? Akin na ‘yang mukha mo at tuluyan ko na iyan basagin,’’ galit na sabi ni Enrico kay Joseph. “Kung ‘yon maabutan mo ako!” pangungutyang sabi ni Joseph kay Enrico. Hinabol ni Enrico si Joseph subalit nag-iikutan lang sila sa gilid ng aking kama. Para silang mga bata na naghahabulan. Nakita ko na marami ng dugo ang dumadaloy sa kabilang pisngi ni Enrico, marahil napuruhan siya ng suntok ni Joseph. Isa pa hindi siya nakahanda kanina nang suntukin siya ni Joseph. “Nahihilo na ako sa inyong dalawa,’’ saway ko sa kanila. Sa wakas nakapagsalita rin ako. Baka kasi mamaya maabutan ni Enrico si Joseph at mabugbog na naman niya ang kaibigan ko. “’Yang baliw k

