CHAPTEFR 42 RUBY ROSE “Lumabas na tayo, Janice. Huwag mong ibaba ang sarili mo sa isang basura at langaw. Bagay din naman sila magsama,’’ yaya ni Emerald kay Janice at tumingin ito sa akin saka inirapan ako. Tumayo ako upang harapin ang gagang Emerald na kaibigan pala ng ex-girlfriend ng kaibigan ko na si Joseph. “Ako ba ang tinukoy mong langaw?” matapang na tanong ko kay Emerald, handa na ako makipagsabunutan sa bruhang ito. “Oo, hindi ba halata? Nakadapo ka lang sa likod ng kalabaw akala mo kung sino ka na? Alam kaya ng kalabaw na dinapuan mo na habang wala siya sa basurahan ka naman nakadapo ngayon? Pero huwag kang mag-alala dahil ako na mismo ang magsasabi sa kaniya,’’ mataray na sabi ni Emerald na ang tinutukoy na kalabaw ay si Sir Rico. “Kung langaw man ako sa paningin mo, eh a

