#MyObsessedDoctor ______ Hindi ako makapaniwalang napatitig sa harap ng salamin. Basang basa ang buong mukha ko at napabuntong hininga. Nasa utak ko pa rin ang sinabi ng nurse kanina. Umuwi na ako sa bahay at napatingin sa laptop. Tatanungin ko ba si Talius? For some reason, I'm scared that he might get mad again. Ayokong mag away ulit nanaman kami sa paulit ulit na dahilan. Nakakapagod na rin kasi kung makikipagsagutan pa ako sa kanya. "There is something on you that I don't know. Care to tell me what is it?" Tanong niya. Tumaas ang kilay ko. "Wala. Bakit anong meron sa akin?" Kumibit balikat siya at sumandal. "Babe, I know you very well so I might guessing that you have something I don't know." Aniya. "Ano nanaman itatago ko sayo?" Tanong ko. Sumeryoso ang mukha niya at mga mata

