#MyObsessedDoctor ________ Ilang araw na ang nakalipas at next week na ang pasukan. Halos hindi ko na namalayan at pasukan nanaman. Ang dali pala ng panahon. 'Yung tipong parang kahapon lang ang graduation niyo at ito na, tatapak na sa kolehiyo. Medyo kinakabahan ako na hindi. "Oh? Kamusta? Nakapasa ka?" Tanong ni Gabriel. "Wala pa akong natatanggap, pero gaya ng sabi ng propesor na 'yun ay magpapadala na lang sila ng mensahe sa akin." Sabi ko. Napatanong si Gabriel. Simula nang magtake ako sa entrance exam ay hindi ko inaakala na ganito pala katagal malaman kung nakapasa ka ba o hindi. Siguro dahil marami rin ang umaasam na makapasok sa paaralan na 'yun. Maliban sa pagiging maganda ang pagtuturo ng mga guro doon ay dahil less budget din ito. Public kasi ito. Tsaka tumatanggap sila ng

