Lumipas ang isang linggo, pero pa rin pinag-uusapan ang nangyari noong gabing 'yon. Lahat halos ng estudyante alam na ako ang balak kuhanin ni Dale, kaya siya pumupunta rito. Kaya lagi na lang ang sama ng tingin nila sa akin, lagi pa nila akong pinag-uusapan. "Zech, after lunch, training natin. Ikaw na ulit ang lalaban," paalala sa akin ni Chloe. Nasa hallway kami, papunta sa first subject namin. Buti na lang at may klase lahat ng estudyante, kung hindi ay nakatanggap na naman ako ng masasamang tingin. Hindi na rin ako magtataka kung isang araw ay awayin nila ako. "Sino naman makalalaban ko mamaya?" tanong ko kay Chloe. "Si Genesis, hindi ba niya sinabi sa 'yo? Earlier, I saw him looking at you. Kaya nga akala ko ay sinabi na niya sa 'yo," sabi naman niya na nagpatahimik sa akin. Gen

