Third Person's POV Nagising si Ms. Athena, Mr. Hawkins, at ang iba pang teachers. Nagulat sila sa nangyari, nawala ang ilaw sa buong University, sumabog ang ilang chandelier at ang mga bombilya. "Zecharia," bulong ni Ms. Athena. Naramdaman niya ang lakas ng kapangyarihan na dumaloy sa buong University. Alam niya na si Zecharia ang may gawa n'on, dahil sa nangyari noong nakita ni Zecharia si Dale sa labas ng University. Binuksan niya ng pinto ng kuwarto niya dahil may kumatok. Bumungad sa kaniya si Chloe, at Mr. Hawkins. "Ms. Lincoln, si Zecharia po ay wala sa kuwarto namin," sabi ni Chloe. Nagkaroon ng liwanag sa labas ng University kaya kaagad na lumabas sina Ms. Athena para tingnan ang nangyayari. Inabutan nila si Zecharia na galit na galit. At si Dale na nakahiga sa damuhan. Puro su

