Kinabukasan, hindi masyadong maganda ang panahon. Maulan at tila ba parang napakatahimik ng University. Nang matapos ang mga klase namin at nag-lunch break na ay kaagad kaming pumunta sa cafeteria. Chloe was eating, while I can't even take a spoonful. "Hey, kumain ka na. Mamaya wala kang energy kapag training na natin. Baka himatayin ka sa sobrang gutom niyan mamaya sige ka," sabi sa akin ni Chloe. "Ano ba ang training ngayon? by partner o by group?" tanong ko. Bigla naman akong sinamaan ng tingin ni Chloe. "Zech naman, e. Bakit kasi kayo umalis kaagad ni Genesis kahapon? Ayan, hindi mo tuloy alam 'yong schedule ng training natin," naiiratang sabi niya na nagpangiti sa akin. "Sorry naman. 'Yong demonyo mo kasing pinsan, hinila na lang ako bigla," natatawa kong sabi sa kaniya pero nap

