Natapos ang mga subjects ko, pero itong katabi ko ay hindi pa rin gumigising. Siguro sanay na ang mga teachers dito kaya hindi na siya pinapagalitan. Well, good luck sa kaniya. As if I care, hindi ko naman siya kilala. Kanina pa siya sa tabi ko pero mukhang ang layo na ng panaginip niya. Sana hindi na lang siya pumasok kung matutulog lang din naman siya. "Zech, anina pa kita tinatawag. Halika na, lunch na tayo," sigaw sa akin ni Chloe. Kanina pa niya ako tinatawag? Wala naman akong naririnig. I'm busy observing my sleeping seatmate. "Tara na. Wait, wala akong pera. Paano ako kakain?" tanong ko sa kaniya. "All expense paid dito. Wala kang babayaran. Kumain ka lang kung kailan mo gusto. Halika na!" And here she goes again, hila rito, hila riyan. Iniwan namin mag-isa yung katabi ko. Tulog

