Chapter 2 : Miserable

2305 Words
Megan Point of View "F-ck this life! F-ck my life!" inis na sigaw ko sa sarili ko habang umiinom ng wine. Tapos maya maya ay natawa na lang ako. . . nababaliw na ako. Wala ng lugar na masaya. Laging kung nasaan ako, malungkot. . . Nakakainis. Nakakairita. "Madam, masyado pa pong maaga para uminom." napatingin ako sa lalaking nasa tabi ng pinto ng balcony kung nasaan ako ngayon. Cold eyes, standing firm, and deep baritone voice. "Ano bang pakialam mo, Vonte?" inis na sabi ko sa tauhan na nakasama ko na simula nang makasal ako at mapunta sa bahay na 'to. . . Vonte, my husband's right hand. "Wala. Wala akong pakialam sayo." walang prenong sagot niya. "pero si Boss may pakialam. Mapapagalitan ako sa ginagawa niyo, madam." sabi nito sa formal na tono. Ganiyan siya makipag-usap sa akin. Sabi niya dahil asawa raw ako ng boss niya. Tss. I never heard him once talk to me casually or nicely. Siya na nga lang ang nakakausap ko. Ang formal niya pero minsan ay magiging bastos dahil sa pagiging prangka niya. Pero nasanay na lang ako, hindi ko lang maiwasang mairita minsan. "Madam, nakiki-usap po ako." sabi niya. Walang pakundangan niyang kinuha ang glass of wine sa kamay ko at nilapag 'yon sa mesa. "Can you at least just once call me by my name?" sabi ko bigla. Natigilan siya saglit. "Hindi pwede, madam." sagot niya. Para siyang robot na dapat pili at tama lang ang sinasabi niya sa akin. Robot na nasunod lang sa asawa ko. Asawa ko huh. Nakakatawa. Tumigil nga ako sa pag-inom gaya ng sabi niya. Ayaw ko naman na siya ang kagalitan ng asawa ko kung sakali. Sinusunod lang naman niya ang gusto nito. Maya maya lang ay nakatanggap ako ng balita na nasa baba raw ang kamag-anak ng asawa ko. Agad akong napabuntong hininga at nauubusan na agad ako ng pasensiya wala pa lang akong naririnig mula sa kanila. Alam ko naman kasi ang pakay nila. Nag-ayos muna ako bago ako lumabas. Taas noo akong bumaba sa hagdan, nakatingin ng puno ng kompyansa sa kamag-anak ng asawa ko na naka-upo sa sofa na parang pagmamay-ari nila ang bahay. Pinapanitili kong bukas ang mataray kong muka hanggang sa makababa ako at naka-harap ko sila. Isang babae, ang asawa niya at dalawang anak na babae at lalaki. "Ano? Ano na namang gusto niyo?" tanong ko sa masungit na boses. "You know we can't understand such a lowly language. Use our language when you're speaking with us!" iyon pa lang ang sinabi ko pero nag-init agad sa inis ang tiyahin ng asawa ko. Gano'n ang gusto kong makitang reaksyon kaya ko ginawa 'yon. "I said, what? What do you want?" tanong ko na lang uli sa lingwahe na maiintindihan nila. "Since Czar is not here, we decided to take the matters into our own hands. You are JUST HIS WIFE IN PAPER, and this house is big just for you and you've been living here for three years!" sabi nito, talagang pinagdiinan ng ginang ang salitang 'just his wife in paper' sa pagmumuka ko. Gusto ko tuloy matawa. Nakakatawa ang mga muka nila. "Isn't unfair? Unfair for us because we're living in a small house. We?! His own blood, his family! " sabi niya sabay turo sa asawa at nga anak niya, "So yeah, we decided to stay here until Czar return." pagtatapos niya sabay cross arm at tinaasan pa talaga ako ng kilay. Ngumisi lang ako. "You are not welcome in my house." madiing sabi ko. "Ah! Don't talk!" agad na pigil ko nang magsasalitang muli ang ginang. "Vonte, ikaw na nga ang bahala sa kanila. I can't entertainment them anymore." sabi ko at aalis na sana ako nang bigla akong hinila ng ginang at akma niya akong sasampalin pero agad siyang napigilan ni Vonte. "I suggest you leave." malamig na sabi ni Vonte sa ginang. Napangiti ako nang makita ko na namulta ang muka nito. Maya maya pa ay dumating na ang mga guard at sapilitang pinaalis nila ang mga 'bwesita' ko. "Sabihin mo sa boss mo na tawagan ako." utos ko kay Vonte na agad namang tumango. Umakyat na uli ako sa hagdan at tumuloy sa isa pang pag-ikot na hagdan na maghahatid sa akin patungo sa kwarto ko. Itong bahay na 'to. . hindi, itong mansiyon na 'to. . . Napakalawak. Napakalaki. Ito na ang naging bahay ko ng tatlong taon. Wala akong ibang kasama sa bahay na 'to kundi si Vonte na hindi maayos kausap, mga katulong na ilag na ilag sa akin, mga guard na ang lalamig, ni hindi makangiti o makausap. At 'yong asawa ko. . si Czar. . kahit kailan, sa tatlong taon na kasal namin ay hindi ko pa siya nakikita. Hindi siya nagpapakita. Naayon naman sa akin 'yon dahil unang una, wala ang asawa ko kaya nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Wala akong pagka-ilang na mararamadaman dahil nga hindi ko naman talaga personally kilala 'yong lalaking napang-asawa ko. Pero habang tumatagal. . . nalulugmok ako. Nag-uumpisa na akong makaramdam ng kamiserablihan. Mag-isa akong kumakain sa napakahaba at nakapalapad na mesa sa hapag-kainan. Mag-isa akong namamasyal. Mag-isa ako sa lahat ng bagay. . Wala akong kasiyahan na nararamdaman. Wala namang bago dahil gano'n din naman ang buhay ko bago ako mapunta sa sitwasyon ko ngayon. . . pero umasa ako eh. Na hindi na ako makakaramdam na mag-isa lang ako. Walang nagpapangiti sa akin. Kahit anong gawin ko upang malibang ang sarili ko, hindi ako makaramdam ng kasiyahan na magbibigay ng kulay sa mundo ko. Mas lalo kong naramdaman na nabubuhay lang ako para mabuhay, walang purpose gano'n. . . Kaya iniisip ko minsan, kahit na ayaw ko sa asawa ko ay magpakita 'to sa akin at buntisin ako. Gusto kong magka-anak. . . gusto kong magkaroon ng inaalagaan at pagtutuunan ng pansin at pagmamahal. Kahit anak na lang ibigay sa akin ng asawa ko, kahit huwag na ng atensyon, presensya, at pagmamahal niya. Pero kahit anino man lang ng asawa ko hindi ko pa nakikita. At isa pa, hindi na ako bumabata. 26 years old na ako. Ayaw ko namang magpabuntis sa iba. Kawalang respeto 'yon sa asawa ko at sa sarili ko. Hindi ako napalaki ng maayos ng magulang ko, pero naturuan ko ang sarili ko ng tamang asal at may moral ako. Huminga ako ng malalim at napatingin sa buong kwarto ko, sobrang lawak nito pero wala man lang ka-buhay buhay. Some would say I am lucky to be the wife of Czar Amadeo De Luca. But I feels the opposite. Kaya kong ipagpalit ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan na meron ako ngayon bilang asawa ni Czar, ngumiti at maging masaya lang uli ako. Will I even experience that? Ang simple lang no'n pero hindi ko man lang maranas ranasan. God. Why I can't stop feeling so lonely. . . Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa screen. . Czar's calling. . . Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Hello?" "You need something?" iyon agad ang sinabi ng asawa ko. Iyan lagi ang bungad na tanong nito matapos kong magsabi ng 'hello'. "Kailangan ko ng doktor na mag-oopera sa kapatid ko, sa lalong madaling panahon, Czar." imporma ko at napahugot ako ng malalim na hininga. Isa pa 'yon sa iniisip ko. . . ang kambal ko na kailangan nang ma-operahan ang utak dahil muling bumalik ang tumor sa utak niya. "They're looking for doctor who can perform brain surgery on her. May kakilala ka bang magaling na doktor? Kailangan—hindi. . " tumikhim ako, "GUSTO KO ng magaling na doktor para sa kapatid ko. Ibigay mo 'yon sa akin." "Woah, this is the first time you asked me for help. It was me always, offering you. ." sabi niya sa baritono nitong boses. Napatingala ako sa kisame upang pigilan ang luha ko. Tama siya. Siya lagi ang nag-aalok, hindi ako humihingi ng tulong sa kaniya unless siya mismo ang nag-alok at desperada na ako at tinatanggap na 'yon agad. Alam niya lagi tuwing kailangan ko ng tulong. . . Para sa kambal ko, para sa lahat. Binibigay niya sa akin lahat eh. Ang kailangan ko. Lalo na ang gusto ko. . . "Maddie is my twin. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. . . Sobrang miserable na ng buhay ko. . I might lose myself if I lose her." Si Maddie. . . Siya na lang ang dahilan ko para mabuhay. Kasi kapag nawala ako. . . walang may pakialam sa buhay niya. Ilang segundong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya bago ito nagsalita. "Ayos ka lang ba?" Nagulat ako sa naging tanong nito. Kahit kailan ay hindi ako tinanong ng asawa ako ng gano'n. Palagi itong direktang kung nag-uusap kami. Laging tanong niya ay kung anong kailangan ko. Walang ganito na tinatanong niya ako kung ayos lang ako. Nagtataka man ay umiling ako bilang sagot sa tanong niya na para bang nasa harapan ko lang siya. "Hindi. . . Hindi ako maayos." anong silbi ng hindi pagsasabi ng hindi totoo kung halata naman na hindi talaga ako maayos. "I am not okay, Czar. My sister is in ICU and I am not there for her. . . Hindi ako makaalis dito sa Italy dahil sa mga kamag-anak mo na laging may binabalak sa aking masama." "Sasabihan ko si Vonte na i-handa ang eroplano para sa pag-alis mo para mabisita mo na ang kapatid mo. Ako na ang bahala sa mga kamag-anak ko." wika nito na siyang ikinagalak ng puso ko. "and don't worry about your sister, I know someone who's capable to operate her." Parang nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sa narinig ko. "Talaga?" "Yes." "Thank you." sabi ko at nakahinga ako ng maluwag. "Don't thank me. Bilang asawa mo, trabaho ko na ibigay ang gusto at kailangan mo." wika nito sa walang emosyon na boses. "You're a part why I have a miserable life, Czar." sabi ko sa asawa ko. Palagi ko 'yong sinasabi sa kaniya tuwing nagkakausap kami ng ganito. "It is also your job to make me suffer like this?" tanong ko at nanatili namang walang imik ang asawa ko sa kabilang linya. "I'm lonely and miserable. . . And I don't know why I'm suffering like this." Kung hindi niya ako hiningi sa mga magulang ko. . . Kung hindi ako ang pinili niyang pakasalan, hindi sana ako kakailanganin ng magulang ko at ginulo ang buhay ko. Hindi ganito ang buhay ko ngayon. . Nasa America pa lang sana ako ngayon at tahimik na nabubuhay roon. Lumipas ang ilang minuto bago nagsalita ang asawa ko. "Babawi ako." "How?" tanong ko. Palagi na lang nitong sinasabi na babawi siya sa akin pero wala namang nangyayari. "Una, I will make sure that your sister will be safe. Second, you can buy anything you need and want. Third, have a vacation. . anywhere in the world. I will make sure that you'll be safe in your flight." Mapakla akong ngumiti dahil sa narinig. "Salamat sa unang alok mo, 'yon lang ang gusto ko. . . For the second and third, no thanks. Alam mo kung anong gusto, Czar. Gusto ko makita ang asawa ko at gusto ko ng anak—" The call ended. Mahina akong natawa at napa-iling bago ng mura dahil sa nangyari. Palagi niya talaga akong pinapatayan ng tawag tuwing 'yon na ang pag-uusapan namin. Kaya wala kaming manitong pag-uusap tungkol doon, sa pagiging mag-asawa namin. Parang takot siyang magpakita sa akin, o talagang ayaw niyang magkapakita sa akin. At mas lalong takot siya sa usapin ng pagkakaroon ng anak. Oh well. . . That's life. I can't have anything I want. Kinuyom ko ang kamao ko bago ko tinatawagan ang kaibigan ko na siyang inutusan ko na mag-alaga sa kakambal ko sa hospital, isa 'tong doktor. Hindi naman lagi lagi, tuwing maisipan lang niya o kung may oras siya dahil doktor siya, busy rin siya. "Seb," ani ko nang sagutin niya ang tawag. "Hi, Megan!" masayang tugon nito sa akin. "ano? Makakarating ka ba?" seryoso na agad ang tono nito, tukoy niya ang pagdalaw ko sa kapatid ko dahil gising na 'to at ako ang unang hinanap niya. Ako na naman. Sa tatlong taon ko rito, tuwing napupunta siya sa hospital at nagigising ay ako raw lagi ang hinahanap niya pero lagi naman ako wala. "Oo, ba-byahe ako. Hindi ko lang alam kung kailan." sagot ko. "Wow! After three years ah!" natawa ako. Seb is a happy person, halata mo kahit sa boses lang eh. "sasabihin ko ba sa kaniya?" "Huwag muna, surpresa." "Okey dokey!" "Salamat ah, sa pagtingin tingin at pag-aalaga sa kapatid ko." "Hmm. Ayos lang 'no, maliit na bagay." sabi niya at tumawa. Pinatay ko ang tawag at sinimulan kong ayusin ang mga gamit na dadalhin ko pauwi sa Pilipinas. Kahit na hindi ko naman alam kung kailan kami aalis rito sa Italy. Nang matapos ay sakto naman na may kumatok sa pinto. "Madam, handa na po ang haponan niyo. Lumabas na lang kayo kapag gusto mo ng kumain." si Vonte 'yon. Agad akong sumunod sa kaniya pababa. Kumain akong mag-isa, nasa gilid lang si Vonte at pinapanood. Kahit ayain ko siyang saluhan ako ay tinatangihan niya ako. Nang matapos kumain ay agad akong naghanda para matulog. Nahiga na ako sa kama at ipinikit ang mata ko. Nagising na lang ako sa ingay ng cellphone ko. Seb’s calling. . . Napatingin ako sa orasan. Alas kwatro na ng umaga. Sinagot ko ang tawag. "Megan, si Maddie lumala ang kondisyon niya. Inilipat na namin siya sa mas malaking hospital." iyon agad ang sinabi ng lalaki sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at nawala ang antok ko dahil sa balitang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD