Megan Point of View
"Madam, your luggage?" tanong ni Vonte pagkababa na pagkababa ko pa lang ng hagdan, pupuntahan ko pa lang sana siya pero mukang pupuntahan na rin niya ako.
"Nabalitaan mo?" tanong ko.
"Yes, madam. . My boss called and informed me." imporma nito bago ako nilagpasan at nagpunta sa kwarto ko upang kunin ang bagahe ko. . .
Pareho na kaming bihis at handa ng umalis. . . Mabuti naman at nasabihan na siya ni Czar dahil kung hindi ay maghihintay pa ako ng ilang oras para maihanda ang pagbyahe ko papuntang Pilipinas.
Hindi na rin ako nagtaka kung paanong nalaman ni Czar ang tungkol sa nangyari sa kambal ko. He has a connection.
"Let's go. . " aya na sa akin ni Vonte.
Sumakay kami sa kotse, kasunod naman ang mga guard. Hanggang sa makarating kami ng private airport.
"Hindi ako sasama sa Pilipinas, madam." imporma ni Vonte sa akin nang nasa harapan na kami ng eroplano. "susunod ako kapag natapos na ang mga gawain na maiiwanan mo rito. Huwag kang mag-alala dahil magpapadala si Boss ng magbabantay sayo."
"Okay." sagot ko lang.
"Take care of yourself, Madam."
"Thank you, Vonte."
"Please, be safe. My boss easily get worried."
Mapait na napangiti ako. "Three years of marriage, Vonte, and I haven't seen him. Ganiyan ba ang may pakialam at nag-aalala sa kapakanan ko? Mas pinapalala niya ang ka-miserablihan ng buhay ko." inis pa na sabi ko.
Nag-tiim ang bagang ko, "kaya ko ang sarili ko." sabi ko.
"Of course, madam." sabi na lang nito at bahagya pang yumukod, "I already sent a message to De Luca’s Hotel manager. . Doon ka tutuloy at sila ang mag-aalaga at mag-aasikaso sayo."
"Wala bang bahay ang boss mo sa Pilipinas?" tanong ko. . "nevermind." sabi ko na lang at tinalikuran na siya.
Nalungkot din ako sa isipin na may mga bagay pa akong hindi alam tungkol sa napang-asawa ko.
Napatulala ako sa labas ng bintana habang nasa byahe na kami papunta ng Pilipinas. Todo asikaso sa akin ang mga stewardess. .
At nang makarating ako sa Pilipinas, naroon kaagad ang mga tauhan ni Czar at sinalubong ako. Kasama ko sila hanggang sa makarating ako sa De Luca's Hotel, 'yon lang at nawala na sila sa paningin ko. Agad din akong sinalubong ng mga staffs doon.
Gabi na nang makarating ako at pagod na pagod ang katawan ko kahit na buong byahe ay tulog lang naman ako. . . Kailangan ko ng pahinga bago ko harapin ang kalagayan ng kapatid ko.
"Welcome to the Philippines, Mrs. De Luca!" pagbati ng mga 'to sa akin. Magiliw ang mga 'to at maganda ang ngiti kaya naman nginitian ko rin sila.
"Welcome to De Luca's Hotel, Mrs. De Luca," may magiliw na lalaki ang lumapit sa akin at nakipagkamay. "Ako nga po pala si Siago, ang manager ng Philippine Branch ng De Luca's Hotel." pagpapakilala nito.
Tumango lang ako, "it's nice meeting you, Siago." tipid akong ngumiti. "pagod na ako, pwede na ba akong magpahinga?"
"Yes, of course po. . " sabi nito at iginaya na niya ako papunta sa kwartong tutuluyan ko.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na purihin sa utak ko ang ganda ng De Luca's Hotel. Breathtakingly beautiful, extravagant, expensive. Ano pa nga bang bago? Ang hotel na pagmamay-ari ng asawa ko ay kilala Worldwide at may mga branch to kada bansa.
At kapag nagbabakasyon ako sa kahit anong bansa ay sa De Luca's Hotel ako lagi tumutuloy. At laging may special treatment sa akin. Isa 'yon sa mga pribelihiyo ko bilang asawa ni Czar.
"This is our VVIP room." may pagmamalaki sa boses ni Saigo, "dadalawa lamang ang meron dito. Dito ka tutuloy sa isa, Mrs. De Luca." sabi nito sabay muwersa ang kamay sa pintong nasa kaliwa.
"Sinong tumutuloy dito sa kabila?" takang tanong ko naman.
Ngumiti ang lalaki, "may nakatira riyan, Mrs., pero kung gusto niyo ay kakausapin natin—"
"No. . Huwag na lang." umiling ako at lumapit na ako sa pinto at binuksan ko 'yon gamit ang key card.
"Kung may mga kailangan pa po kayo, Mrs. De Luca ay huwag po kayong magdalawang isip na tawagan ako."
"I understand. Thank you, Saigo."
"You're very much welcome, Mrs. De Luca." ngiting sabi nito bago siya nagpaalam na umalis. Isinara ko na ang pinto nang mawala ang lalaki sa paningin ko.
Pumasok na ako sa loob at huminga ng malalim. Inalis ko ang heels na suot ko, dumeretso ako sa banyo. . pinuno ko ng tubig ang bathtub at doon ko pinahinga ang katawan ko.
Nang guminwaha ang pakiramdam ko at nakontento ay umahon na ako at nagbihis. Balak kong magpahinga muna bago ko puntahan ang kambal ko.
Habang nakahiga ay tinawagan ko si Seb pero hindi niya ako sinasagot kaya naman hinayaan ko na. Baka abala siya o baka tulog na siya dahil anong oras na rin.
'Andito na ako sa Pilipinas, magkita tayo bukas.'
Iyan ang iniwanan kong minsahe sa lalaki. Hinintay ko ang reply niya. . Kung sakali lang naman dahil hindi ako mapakali. Kahit gusto kong matulog dahil sa pagod ay gising na gising ang diwa ko kaya naman naisipan ko munang bumaba.
I was wearing my night gown. Pinatungan ko na lamang ito ng silk robe at nagsuot ng slippers bago ako lumabas sa kwarto.
Tumayo ako sa tapat ng elevator at pinindot ang ground floor. Nang makita na medyo malayo pa 'to sa palapag kung nasaan ako ay ipinikit ko muna ang mata ko at dahan dahan na ipina-ikot ko ang ulo ko habang minamasahe ko ang leeg ko.
Hindi ko namamalayan na nasa palapag ko na pala ang elevator at bumukas 'yon ng nasa ganoong posisyon ako.
Nakaawang ang labi ko, nakapikit, ang ulo ko ay umiikot ikot ng marahan in circular motion habang minamasahe ko ang leeg at balikat ko.
Iminulat ko ang mata ko at gano'n na lang ko na-istatwa sa kinatatayuan ko nang makita ang nakapa-gwapong nilalang na nakatitig sa akin habang hawak ang pinto ng elevator upang hindi ito magsara.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ba na nakatitigan kami ng lalaking may kulay asul na mata bago ako nakaramdam ng hiya sa katawan at umiwas ng tingin.
Sh-t. Bakit nasa gano'ng posisyon pa siya!
Nakakahiya!
At nakita ko pa na napalunok ang gwapong lalaki na 'to habang nakatingin sa akin bago tumingin sa sahig at lumabas ng elevator.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan ng tingin ang lalaki na binuksan ang pinto na nasa tapat ng kwarto ko.
Napapailing na pumasok na lang ako sa elevator at isinandal ang sarili ko sa gilid no'n at ipinikit ang mga mata.
Pero napamulat muli ako nang biglang nakita ko ang muka ng lalaking nakasalubong ko kanina.
"F-ck, Megan. . . What's happening to you?" tanong ko sa sarili dahil hindi naman ako gano'n. Ang basta na lang maalala ang muka ng taong kakakita at hindi ko naman kakilala.
Napasinghap ako sa gulat nang akmang sasara na ng pinto ay biglang may kamay na humarang doon para hindi tuluyang magsara.
At pumasok ang lalaking may kulay asul na mga mata!
Oh my goodness. Those blue eyes. . .
Nang sumara ang pinto ng elevator ay bumyahe na 'yong pababa. Tahimik lang ako na nakasandal sa gilid hanggang sa nagsalita 'yong lalaki.
"Hi! I'm Ryuu—"
"I'm married." putol ko kaagad sa lalaki bago pa 'to may ibang sabihin at sakto naman na bumukas ang pinto ng elevator kaya nagmamadali akong lumabas.
"Mrs. De Luca!" gulat na sambit ni Saigo nang makita niya ako. "what can I do for you?" tanong nito sa akin. "pwede naman na tumawag na lang po kayo keysa naglakad pa pababa." sabi nito sa akin.
"It's okay. I don't need anything. . . I just want to breath a fresh air."
"Sandali lang po, tatawag lang po ako ng makakasama niyo." pigil sa akin ng Manager nang aalis na sana ako.
"Sa may harden lang ako. . " sabi ko.
"Kahit na po. Baka may mam-bastos o gumawa sa inyo ng masama riyan."
"Oh so you accommodate bad people here in hotel?" hindi ko napigilan ang katarayan sa boses ko. Natigilan naman si Saigo.
"Take Manager Saigo' advice." sabad ng pamilyar na boses ng lalaking kasabayan ko sa elevator kanina sa usapan. "we don't know the danger out there."
"Sa harden lang ako. Walang mangyayaring masama sa akin." pagmamatigas ko.
"Mrs. De Luca, pakiusap po. . . kahit kasama lang, sa malayo naman siya." pagpupumilit ni Saigo.
"Utos ba 'to ng asawa ko?" malamig na tanong ko at iwas tingin na tumango ng lalaki. Kaya pala. Takot siyang suwayin 'yon kaya pinagpipilitan niya. Napairap ako, nawalan ng gana na lumabas at magpahangin. "kainis." bulong ko.
"Mrs. De Luca?" tanong ni Manager Saigo dahil hindi niya narinig ang binulong ko.
"Hindi na ako lalabas. Nawalan na ako ng gana." sabi ko pero hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa muna ng Manager. "I will go back in my hotel room, don't worry." sabi ko na lang at naglakad na lang pabalik.
Habang naglalakad ay naramdaman ko na may tumabi sa akin at sunabayan ako na maglakad.
It was Ryuu. . . If I remember his name right.
"Married to the owner of De Luca's Hotel." sabi nito.
Hindi ako umimik.
"Mrs. De Luca," tawag nito sa akin, nag-aalangan man ay nilingon ko pa rin ang lalaki.
"What?"
"Take care of yourself."sabi nito at dumako ang kulay asol na mata ng lalaki sa mata ko, "Huwag matigas ang ulo mo. Sa ganda mong 'yan. . . baka ma-kidnapped o mabastos ka. Your husband will be devastated." sabi nito, para siyang nagbibilin lang sa isang bata.
Mapakla akong napatawa dahil sa huling sinabi nito.
"Devastated his ass."
Umirap ako sa hangin bago ko tinalikuran ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na niya ako sinundan pa dahil hindi ko matagalan ang presensiya niya.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Binuksan ko ang kurtina at bumungad sa akin ang malaking bintana na salamin, kitang kita ang kagandahan ng magulo at abalang syudad. . .
Pilipinas na Pilipinas ang dating. . .
I checked my phone at nakita ko ang reply ni Seb, sinabi niya na nasa hospital na siya kung nasaan naka-confine ang kapatid ko. Sinabi niya rin ang pangalan ng hospital.
Tinawagan ko ang lalaki at agad naman na sumagot 'to.
"Meganda!" napangiti ako dahil sa sigla ng boses niya. "saang hotel ka tumutuloy?" tanong nito.
"Sa hotel ng asawa ko." sabi ko at natawa ng marinig ang ungot niya.
"Wait mo ako riyan, Meganda ah? Susunduin kita tapos sabay na tayo pumubta ng hospital."
"Okay."
"Ay hindi mo tatanongin kung bakit?"
Natawa ako. Ang kulit. "Oh, bakit?"
"Hospital namin 'yon, papalipat na ako ro'n para mabantayan ko kambal mo." sabi niya at natawa na parang may nakakatawa sa sinabi niya.
Napangiti ako. . .
"Thanks, Seb. . ." halos pabulong na sabi ko.
"Hug mo na lang ako tapos kiss sa pisngi mamaya." sabi niya sabay tawa na naman kaya natawa na lang din ako. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba ang sinabi niya o hindi dahil halata naman na nagbibiro siya.
Matapos naming mag-usap ay naghanda na ako kaagad. Hindi na ako nag-almusal. Hinintay ko lang ang text o tawag ni Seb na nasa baba na siya bago ako bumaba.
Maya maya lang ay natanggap ko na kaya lumabas na ako sa kwarto at sakto naman na lumabas rin ang lalaki sa katapat na pinto ko. Nakasalubong ang mga mata namin.
"Good morning." bati niya sa akin.
Tumango lang ako bago ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator. Ginawang kong abala ang sarili ko sa cellphone upang hindi ma-distract sa lalaking katabi ko. .
He's wearing a white shirt and he's folding it right now. Tapos nang matapos niyang ayusin ang shirt niya ay nag-lagay siya ng neck tie. . . Napansin ko na magulo 'yon pero hindi ko na lang sinabi.
Nahigit ko ang hininga ko nang hinarap niya ako at akmang magsasalita siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator kaya nagmamadali akong lumabas doon.
Sakto naman na nakita ko na si Seb sa lobby. . . malayo pa lang ako ay nakita na niya ako at kumakaway kaway na siya.
"Hi, Meganda!" sigaw pa niya dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga tao.
Napailing na lang ako at mabilis na lumapit ako sa kaniya at niyakap siya!
"Ang ingay mo!" suway ko.
"Eh 'yong kiss, asan?" sabi niya pa sabay nguso ng labi niya pero mabilis kaming napalayo sa isa't isa nang may dumaan sa may gitna namin.
It was Ryuu. . . ang sama sama ng timpla ng muka niya at dere-deretsong naglakad palabas ng hotel. Takang pinanood ko siya.
Problema no'n?