KHEN POV
Sabado nang sumunod na araw.. maaga akong nagising dahil ngayung araw ang usapan namin ni JD na mag papractice sa aming kanta. Pero bago ako umalis..tumawag si Mama at sinabi nitong umuwi ako dahil birthday ni Angelie ang bunso kung kapatid. Dahil busy nitong nakaraan nakalimutan kong birthday na pala ng kapatid ko at hindi pweding hindi ako umuwi. Kaya mas minabuti kung maagang magpractice para makauwi pa ako sa amin.
Dala ko ang pinahiram na gitara ni JD sa akin. Pero bakit pakiramdam ko excited akong pumunta sa dorm nito. Yung pakiramdam na first time mung makipag eyeball sa ka textmate mo.
Haysss ...si JD lang yun...!! ano ka ba..!! saway ko sa sarili ko.
I took a deep breath bago umakyat sa Dorm nito. Nang makarating na ako sa tapat ng pinto nito. Sinubukan kung kumatok. Nakakatatlong katok na ako ng buksan nito ang pinto. Sumilip pa muna ito sa labas bago tuluyang buksan ang pinto ng makita ako.
"You're early..!" sabi nito at muling isinara ang pinto nang makapasok na kami. Alas nueve na at halatang kakagising lang nito dahil nakasuot pa ito ng boxer short at sando, bahagyang magulo padin ang buhok nito pero hindi ito nakabawas sa charisma nito, nakapamulsa pa itong nakatayo sa harap ko ngayun kaya mas lalo akong naiilang sa kaniya.
"Mas magandang magpractice ng maaga para naman matapos tayo ng mas maaga.." sagot ko sa kaniya at umupo sa isang sofa na nanduduon.
"Why..? may lakad ka ba..? tanung nito
"I am planning kasi na umuwi, after ng practice, birthday din kasi ng kapatid ko.." paliwanag ko dito.
Napatango naman ito at mukhang nag iisip.
"Then we can practice in your home..?" sabi nito.
Napaangat naman katawan ko sa pagkakasandal sa sofa dahil sa sinabi nito.
"What do you mean..?!!" tanung ko.
"I'm coming with you..."sabi nito
"What...?" gulat na tanung ko. Ni wala sa hinagap ko na maiisipan ni JD na sumama sa bahay namin.
"Why hindi mo ba ako iimbitahan sa birthday ng kapatid mo..?" nakapameywang na tanung nito.
Nalito bigla ang isip ko at hindi ako nakapag salita habang nakatingin sa mukha nito.
"Ahm...kasi malayo yung sa amin.." dahilan ko.
"I know... I've been there..remember.." sabi nito. Ngayun lang pumasok sa isip ko na nakapunta na pala ito sa lugar namin, at yun ang una naming pagkikita noon.
"Wait I'm going to wash first...I'll be quick.." sabi nito ulit at agad na umalis sa harapan ko. Naiwan naman akong hindi padin makapagsalita hanggang ngayun.
Wait..pumayag na ba akong sumama ito..?
What did just happen...did JD really said his coming home with me..? Somethings inside me na parang gustong magdiwang.. pero meron din akong agam agam na nararamdaman dahil ngayun palang ako magdadala ng kaklase sa bahay namin... what if masabi ni JD kung saan ako nag aaral ngayun.
Nag iisip padin ako ng muling kung makita si JD. Mabilis nga lang itong naligo at nagbihis. Then he pick up his guitar at muling humarap sa akin.
"Gusto mo bang mag joyride..?" tanung nito. I frowned dahil hindi ko nagets ang sinasabi nito.
"Joyride ...?" maang na tanung ko.
"Yes..! Magmomotor tayo papunta doon sa inyo.." sabi nito.
Bigla naman nabuhay ang excitement sa puso ko. Never ko pang natry sumakay ng motorsiklo sa malayuang byahe kaya bigla akong naexcite sa isiping magmomotor lang kami pauwi sa amin at bagong experience din ito para sa akin. Ngunit nag aalala din ako baka mapagod ito sa pagmamaneho dahil may kalayuan nga ang sa amin.
" Is it safe..?" nag aalala kung tanung.
"Do you trust me..?" balik na tanung nito sa akin habang nakatingin sa akin.
Nang hindi ako sumagot..lumapit ito sa akin. Ilang inches nalang ang layo ng mukha nito sa akin kaya bahagya akong napaatras.
"You should.." sabi nito. Ilang sigundo pa kaming nagkatitigan bago ito umalis sa harap ko at lumabas ng dorm nito. Agad naman akong sumunod dito palabas.
"Ahm.. kailangan ko munang bumalik sa dorm dahil may kukunin pa akong gamit doon." sabi ko sa kaniya.
"Okay..don't forget to bring a jacket too dahil mainit ang panahon..." sabi nito.
Sabay na kaming bumaba ng dorm nito at sumakay ng motor nito papunta sa dorm ko. Sinabi din ni JD na iwanan ko nalang muna ang gitara nito sa dorm ko at ang gitara ko nalang ang gagamitin namin para hindi nakakaabala sa motor. Nakalagay sa pagitan namin ang gitara para hindi malaglag. May dala din kasi akong backpack kaya mahirap kung isabit ko pa sa likuran ko ang gitara. Then we started the ride papunta sa bahay namin. Nakahawak naman ako sa balikat ni JD habang inalalayan ng isang kamay ko ang gitara.
Pagdating namin sa bahay, excited na nag aabang si Mama sa labas ng gate. Sinabi ko na kasi dito kanina na may isasama akong bisita.
Si Lizzy lang ang madalas na pumupunta sa bahay kaya alam kung natutuwa ang mama ko dahil may ibang kaibigan pa akong dinala dito ngayun. Nagmano naman agad ako sa kaniya pagkababa ko ng motorsiklo ni JD.
"Khen...! Kanina ko pa kayo hinihintay, papasukin mo muna yang kasama mo.." nakangiting sabi ni Mama.
"Ah.. Ma.., si JD nga po pala..k-kaibigan ko.." pagpapakilala ko kay JD.
"Good afternoon po..!" magalang na bati ni JD kay Mama.
"Magandang hapon din sayo JD.. abat hindi ko akalain na magkakaron ng kaibigang kasing guwapo mo itong si Khen.." kumento ng Mama ko.
"Khen.. pagpahingahin mo muna si JD doon sa kuwarto mo habang inihahanda ko lang itong pagkain at nakakapagod mag magmaneho ng motor." sabi ni Mama at akmang tatalikod na ito para bumalik sa kusina ng bigla ako nagsalita.
"Sa kuwarto ko Ma..?!!" gulat kung tanung.. may isang guest room naman, bakit sa kuwarto ko pa.
JD POV
Hindi ko alakaing maagang darating si Khen sa dorm para magpractice, but when he said na uuwi ito para sa birthday ng kapatid nito. Agad akong nag isip na sumama dito. Nakakapagod din ang puro practice sa school, i also need to refresh my self..lalo na at makakasama ko so Khen sa araw na.
Mas lalong nakakaenjoy mag joyride lalo na pag kasama mo ang taong especial sa'yo...at palagay ko mukhang neg eenjoy din si Khen sa ride namin.
Tinuro niya sakin kung saan ang direksyun ng bahay nila ng makalagpas na kami sa bayan. Although familiar naman sa akin ang lugar nila dahil nakailang beses na din ako noon pababalik balik dito para hanapin siya ,tinanung ko padin sa kaniya ang exact location ng bahay nila.
Sakto namang nasa harapan ng pinto ang mama ni Khen ng dumating kami. Nakangiti nito kaming sinalubong, Mukhang expected na din nito na may dala bisita si Khen dahil excited itong nag aabang sa labas.
"Khen...! Kanina ko pa kayo hinihintay, papasukin mo muna yang kasama mo.." sabi ng mama niya.
"Ah.. Ma.., si JD nga po pala..k-kaibigan ko.." sabi ni Khen ng makababa na kami ng motorsiklo.
"Good afternoon po..!" magalang kung bati sa Mama niya.
"Magandang hapon din sayo JD.. abat hindi ko akalain na magkakaron ng kaibigang kasing guwapo mo itong si Khen.." kumento ng Mama ni Khen kaya napangiti nalang din ako. Nauna na itong pumasok sa loob ng bahay at sumunod naman kami ni Khen. Simple lang bahay nila Khen.. hindi man gaanong kalakihan pero maayos ang pagkakalagay ng mga gamit sa loob at nakakagaan ng pakiramdam dahil feeling ko nasa totoong bahay ako.. unlike sa amin.
"Khen.. pagpahingahin mo muna si JD doon sa kuwarto mo habang inihahanda ko lang itong pagkain at nakakapagod mag magmaneho ng motor." narinig kong sabi ng Mama niya. Bigla naman napalingom si Khen sa akin at sa Mama niya.
"Sa kuwarto ko Ma..?!!" gulat nitong sabi.
"Alangan naman sa kuwarto ng kapatid mo..? tsaka inayos ko naman yung kuwarto mo para hindi nakakahiya sa bisita mo.." sabi ng Mama nito at muling ngumiti sa akin...bago tuluyang umalis at bumalik sa kusina.
Muling tumingin si Khen sa akin. Kaya napakibit balikat ako. Napapakamot nalang ito ng batok at parang nahihiyang naglakad.
"Magpahinga ka muna sa taas.." sabi ni Khen at naunang umakyat sa hagdan papuntang second floor.
Umikot ang paningin ko sa loob ng kuwarto nito ni Khen. Simple lang din ito mayroong isang kama sa gilid na nakadikit sa pader at sa tabi ng pinto ang closet nito na gawa sa kahoy at may maliit na lamesa na katabi ng nakabukas na bintana nito.
"Pasensya ka na.. walang aircon tong kuwarto.. malamig naman dito dahil nakabukas ang mga bintana." sabi ni Khen.
"Nice room..!" sabi ko lang at umupo sa kama habang nakatingin sa kaniya.
"K-kung gusto mung magpahinga.. mahiga ka nalang muna dito at tutulong muna ako sa baba.." paalam niya na tila naiilang at mabilis na tumalikod ngunit pinigilan ko ang braso nito kaya bigla itong napahakbang pabalik sa akin. Nakatayo ito at bahagyang naka yuko malapit sa mukha ko. Nagkatitigan kami ng ilang minuto dahil kahit ako ay hindi din makapagsalita.
"Kuya...!!" Bigla kaming humiwalay ng marinig namin ang pagtawag na yun.Napalingon ako sa pinto ng kuwarto at nakita kung nakatayo doon ang isang cute na batang babae.