Chapter 13 - Someone He Like

1616 Words
KHEN POV "Kuya...!!" bigla akong lumayo kay JD pagkarinig ko ng boses na yun. Pakiramdam ko uminit ang magkabilang pisnge ko ng mga sandaling yun. Lumingon ako sa pinto at nakita ko si Angelie. "Sinung kasama mo..?" tanung ng nakababata kung kapatid na si Angelie.. 7 years old na ito ngayung araw at sadyang madaldal ito sa edad nito. "Ahm.. Angelie siya nga pala si Kuya JD..kaibigan siya ng Kuya sa bago kong school.." sabi ko dito. Lumapit naman ito sa harap ni JD at napahalukipkip na tila nanunuri sa bisita ko. "Puwede nah..." napapatango nitong sabi. "Hoy..sinasabi mo..? Pwede nang ano..?" nagtatakang tanung ko sa sinabi nito. "Pwede nang maging kaibigan mo kuya.. kasi guwapo siya.." nakangiting sabi nito. Napakamot tuloy ako ng batok dahil sa mga lumalabas sa bibig nito.. ki bata bata marunong ng tumingin ng guwapo. "Ei paano naman ako..?" tanung ko sa kapatid ko na pinatampo ang boses ko. "Syempre kuya..-" pabitin nitong sabi. Napangiti ako dahil sa sinabi nito.. hindi ko alam na may karugtong pa pala. "Guwapo ka naman... pero mas guwapo lang talaga siya.." tila nagpapacute pa nitong sabi sa harap ni JD. Napatingin naman ako dito at nagkibit balikat lang ito na nakangiti. Ilang tao pa ba dito sa bahay ang magsasabi dito na guwapo ito. "Ah...ganun..! so wala kang regalo.." sabi ko sa kapatid ko at nagpanggap na nagtatampo. "Akin na ang regalo ko.. at hindi ko sasabihin kay mama ang nakita ko..!" sabi nito. "Nakitang ano..?" maang na tanung ko. Hindi ito sumagot.. tinuro lang nito si JD at ako tapus pinagtabi ang dalawang daliri nito at nanunudyong ngumiti. "Aba't.. ikaw talaga..gamunggo ka lang kalaki , marami ka ng nalalaman diyan.." sabi ko dito..at iniwasan kung tumingin kay JD dahil malamang nakangiti na naman ito. Maya-maya ay lumapit ito kay JD at may ibinulong. Napangiti naman si JD sa sinabi nito at sumagot din ng bulong dito. "Hey.. anu na naman yang pinag uusapan niyo...bulungan pa kayo ng bulungan jan..?" sita ko sa kanilang dalawa. Tila kinikilig naman itong si Angelie sa pinag uusapan nila ni JD kaya bigla ko itong binuhat...at inilabas ng kuwarto. Binalingan ko si JD na nakangisi pading nakatingin sa amin. "Magpahinga ka na muna jan.. at masyado ka ng inabala ng batang to.." sabi ko at mabilis na bumaba ng bahay. "Kuyaaahh..put me down..!!put me down...!!" sabi ni Angelie. Ngunit inilapag ko lang ito sa sofa sa sala. "Tell me kung anung binubulong bulong niyo kanina.." pautos kung sabi dito. "Nope...it's our secret..!" sabi nito at tinakpan pa ang bibig. "Ah ganun ha..." sabi ko at agad itong kiniliti. Matunog na halakhak naman nito ang pumuno sa buong bahay namin ngunit wala talaga itong sinabi sa akin. Nang maihanda na ang pagkain sinabi ni mama na tawagin ko na si JD pero mas mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo si Angelie paakyat sa taas. Natatawa nalang si mama sa kinikilos nito. "Tignan mu yang kapatid mo at tuwang tuwa sa kaibigan mo.." nakangiting sabi nito. I just sighed dahil hindi ko akalain na magiging malapit agad si JD sa pamilya ko. Hindi nagtagal nakababa nadin ang dalawa at hawak pa ni JD ang kamay ng kapatid ko habang papasok sila sa kusina. Dumating din ang papa ko galing sa trabaho nito at hindi naman nahihiya si JD na makipag usap dito. Magkatabi kami ni JD habang nasa panguluhang bahagi ng lamesa si Papa then si Angelie at si Mama sa kabilang side. "Tamang-tama at dinala ka dito nitong si Khen... para meron naman akong kainuman.." sabi ni papa. "Ano ka ba... mga estudyante palang yan sila.."saway naman ni mama dito. "Hayss.. ganyang edad nila dapat marunong na silang uminom para naman hindi sila napag iiwanan ng iba.." paliwanag naman ni papa. "Hay nako.. wag mo nalang yang pansinin JD..tara nat kumain nalang tayo.." sabi ni Mama. "Magboblow pa po ako ng candle.." singit naman ni Angelie. "Ayy oo nga pala..sandali at sisindihan ko lang ang kandila.." sabi Mama. Kinantahan naman namin ng happy birthday si Angelie bago ito nagwish at hinipan ang kandila. Nagsisimula na kaming kumain ng biglang may kumatok sa pinto. "Ako na.." sabi ni Mama at tumayo. Maya maya narinig kung may kausap si mama at base sa boses nito alam ko kung sino ang dumating. Bigla akong napatingin sa gawi ni JD.. patuloy lang itong nakikipag usap kay papa . Hindi ako mapakali dahil baka mamukhaan ni Lizzy si JD at malaman nito kung saang school ako lumipat. "Halika ka.. mabuti at nakarating ka.. nandito din si Khen at ang kaibigan nito..." narinig kung sabi ni mgg by gama. Kaya bahagya akong napalunok. Hindi ko naisip na posibleng pumunta dito si Lizzy. Tumayo ako ng makalapit na sila sa amin habang nakatingin kay Lizzy. "Happy Birthday Angelie..!!" bati ni Lizzy sa kapatid ko. Agad naman tumayo si Angelie at sinalubong ito ng yakap at kinuha ang regalo nito. "Thank you ate Liz.." sabi ni Angelie at agad bumalik sa upuan nito. "Khen...mabuti at nakauwi ka..!" nakangiting bati nito sa akin at yumakap ng makalapit ito sa akin. She's always like this tuwing magkikita kami. "Ah Oo..nangungulit tong kapatid ko sa regalo niya ei.., maupo ka at kumain ka muna.." sabi ko dito at ipinaghila ito ng upuan na katapat ng upuan ko. Nakangiti naman itong umupo. "Ahm.. kaibigan ko pala si JD.." sabi ko kay Lizzy. Napatingin naman ito sa gawi ni JD at napakunot ng noo. "JD.. si Lizzy nga pala bestfriend ko..and kababata ko din.." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Bahagya lang tumango si JD dito at muling nakipag usap kay papa. He doesn't care about her at parang wala itong balak na kausapin si Lizzy. "He seems familiar..!" sabi ni Lizzy habang nakatingin kay JD. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy na kumain. Nag aalala ako sa mga sandaling ito at baka biglang maekuwento ni JD ang school namin. Kaya naisipan kung bumulong dito dahil magkalapit lang naman kami. Bahagya kung ibinangga ang tuhod ko sa tuhod nito sa ilalim ng lamesa para makuha ang pansin nito. Napalingong naman ito sa akin dahil sa ginawa ko. Then i move closer to him at bumulong. "Huwag mung eoopen sa kanila ang tungkol sa school natin, They had no idea were i transfered." sabi ko. Tahimik lang naman ito at hindi na sumagot. "Ahm Khen.. tutal nandito ka na.. aayain sana kita ,kasi birthday ni Cassy two weeks from now at ineexpect niya na darating tayo, darating din kasi ang iba pa nating mga kaklase noon..!" sabi ni Lizzy. Kaya muli akong bumaling sa gawi nito. "Ahm i don't know kung makakapunta ako, kasi busy din sa school." sabi ko dito. Madalas kasi ako nito noong ayain pag ganitong may mga get together ang mga dati naming mga kaklase. "Please Khen..sumama ka na..!" sabi ni Lizzy at hinawakan pa ang kamay ko. Napansin kung tumahimik si JD at ng lumingon ako dito nakatingin ito sa kamay ni Lizzy na nakahawak sa kamay ko. "ahm.. hindi ako mangangako pero.. titignan ko.." sabi ko at pasimpleng kinuha ang kamay ko na hawak ni Lizzy. "You should be there Khen.. para makapag bonding naman tayo ulit.. namimiss na kitang kasama ei." sabi ni Lizzy. Pilit naman akong ngumiti dito. Habang patuloy kaming kumakain, napapansin kung panay ang sulyap ni Lizzy kay JD. Naisip kong baka naguguwapuhan din ito kay JD. Ngunit ang agam agam ko na yun ay nawala at napalitan ng tensyun ng magsalita si Lizzy... "JD...naglalaro ka ba ng basketball..?" tanung nito. Lumingon si JD kay Lizzy at seryuso itong nakatingin sa bestfriend ko, samantalang nagpapanick na ang utak ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ni JD, bigla tuloy akong napainom ng tubig dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Why..?"narinig kung tanung ni JD kay Lizzy. "Para kasing nakita na kitang naglalaro ng basketball before.." sabi ni Lizzy habang nag iisip padin. "Pag naalala mo na kung saan mo akong nakitang naglaro ng baskteball, I will answer your question.." sagot naman ni JD. Napaisip lalo si Lizzy sa sinabi nito at muling itinuon ang atensyun sa pagkain nito. "Gusto mo ng cake..?" tanung ko kay JD para maiba ang usapan. Napatingin din si Lizzy sa akin dahil akala nito siya ang kinakausap ko. Hindi ko napansin ang pagkawala ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa amin ni JD. "Sure.." sagot ni JD kaya nagslice ako ng cake at inilagay sa plate nito. "I can't eat all this.." sabi ni JD at hinati sa dalawa ang cake at inilagay din sa plate ko. "Don't eat too much sweets.." sabi nito pagkaraan it may affect your voice. "I know..!" sagot ko bago sumubo ng cake. Napansin kung natigilan ang mga kaharap kasama namin sa lamesa habang nakatingin sa amin ni JD. Napatingin din ako sa gawi ni Lizzy ngunit bigla itong umiwas ng tingin sa akin. "So JD..may girlfriend ka na ba..?" tanung ng papa ko sa kaniya. "Ahm.. wala po.. but i do like someone right now.." simpleng sagot ni JD. "With your looks, siguradong madali mo nalang mapapasagot kung sino man ang napupusuan mo.." sabi naman ni papa. Isang ngiti ang pinakawalan ni JD at bahagyang lumingon sa gawi ko. "Sana nga po, but the person i like..is still confuse about my feelings..but it's okay... i can wait.." sabi nito as he glance at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD