SHERWIN: NANIGAS AKO sa kinahihigaan ng maghahatinggabi na ay dinig ko ang pagtunog ng pintuan ko dito sa dating unit ko. Kabado ako na nanatiling nakahiga. Pinapakiramdaman kung sino ang nagbubukas. Kakaibang kaba ang bumubundol sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag kung para saan. Pinanatili kong normal ang itsura nang maramdaman ang pagpasok ng kung sino. Panay ang mura ko sa isipan na hindi isa sa mga kaibigan ko ito. Dama at amoy ko ang pabango nito at nakakatiyak akong hindi isa kina Nathan at Nadech ito. Lumapit ito at ramdam ko ang matiim niyang pagtitig sa akin na nagpapanggap na nahihimbing. Parang lulukso palabas ng dibdib ko ang puso ko sa mga sandaling ito! Naramdaman ko naman ang papalayong yabag nitong ikinasilip ng isang mata ko at laking gimbal na makitang dinampot niya

