SHERWIN: NANGINGITI AKO habang maingat na nilinisan sa buong katawan si Cathryn na nahihimbing na. Bakas ang pagod dito na nakaawang pa ang bibig at mahinang humihilik. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga sandaling ito habang matiim siyang pinagmamasdang nakatulog. Kinuha ko ang kanang kamay nito at dinala sa bibig kong masuyong pinaghahagkan ito maging ng mga daliri nito. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feelings para sa isang babae. Ako 'yong tipo ng lalakeng walang hilig makipag-fling sa kung kani-kanino. Kaya nga wala pa akong nagiging girlfriend sa tanang buhay ko. At aminadong, si Cathryn din ang nakauna sa pāgkalalakē ko. Maingat akong nahiga sa tabi nito at tumagilid paharap dito. Parang may sariling isip ang kamay ko na inabot itong marahang hinaplos siya sa pisngi. "Cath

