CATRINA: NANGUNOTNOO AKO na parang may mga matang nakatutok sa akin. Napaangat ako ng mukha pero wala naman akong ibang kasama dito sa silid ko. Mataas na ang sikat ng are pero inaantok pa ako at walang planong bumangon. Pagod ang katawan ko sa buong linggo na puno ang schedule ko mula sa mga tapings at photoshoot ko. Napaungol ako na dumapa ng kama at niyakap ang unan. Muling nagpatangay sa antok. Madaling araw na kasi kanina noong nakauwi na ako kaya dito na ako sa mansion nila Mama Liezel tumuloy. Weekend ngayon kaya kahit paano ay makakapagpahinga ako ng dalawang araw. "Sweetie?" napaungol ako ng nagrereklamo na marinig si Mommy na ginigising na ako. Naupo ito sa gilid ng kama na niyugyog pa ako sa balikat. "Hey, Catrina. Bangon na. Hindi ka pa nag-aagahan, sweetie" anito. "

