NADECH: SA MGA SUMUNOD NA araw ay hindi pa rin ako tumigil sa pagsunod dito. Naniniwala kasi akong kapag nakamatyag ako lagi dito ay meron at meron akong makukuhang ebidensya na magdidiin dito. Kahit nga sa set nito ay nakasunod ako na nakamatyag sa bawat galaw niya. Nagiging stalker na tuloy ang tao. Pero kung para naman sa mahal ko ay gagawin ko. Kahit araw-araw ko pang matyagan bawat kilos ni Catrina kung dito ko naman makukuha ang susi ng pagkakalutas ng problema ko. Lahat kaya kong suungin. Habang nasa set ito dito sa isang rooftop ng hotel ay pasimple akong pumuslit na nilapitan ito. Mabuti na lang at abala ang lahat. "Mag-usap tayo" "Nadech!?" gimbal na bulalas nitong namimilog ang mga mata. Napangisi ako na hinawakan ito sa kamay at hinila sa tagong bahagi nitong pool area

