bc

DATING THE CEO

book_age18+
318
FOLLOW
2.1K
READ
HE
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Naintriga si Lance Ordoñez nang makita niya si Desiree na desperadong umiiyak sa isang sulok ng office room. Namumugto ang mga mata at namumula ang ilong sa kaiiyak. At ang pinaka-intriguing kay Lance, hindi siya kilala ng dalaga. And for the life of him, he found himself there, trying to comfort her and coax her to open up about her problems. And on top of that, he even offered himself as a rebound for her cheater of a boyfriend. Pero paano nga ba makikibagay ang isang Desiree sa isang man of the world like Lance Ordoñez, a powerful CEO?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Desiree warmly welcomed her boyfriend, Harley Francisco. "Hi," she said, wrapping her arm around his waist. "Mabuti naman at maaga ka ngayon. I have a surprise for you." Harley raised an eyebrow, his smile widening. "Oh, wow. Ang dami mong pakulo. Anong meron?" "Yup. And you'll be proud of me." She guided him to the big leatherette sofa, and they both sat down. She held onto his arm with both hands. "I'll make a wild guess," he said, lifting his hand and putting it around her shoulders. "Is this surprise about you finally agreeing to go out with me?" He pulled her closer, about to kiss her on the lips, but Desiree quickly pulled away. She shot him a playful glare and moved slightly farther. "Ikaw talaga. Para namang hindi ako sumasama sa 'yo paminsan-minsan." "Alam mo ang ibig kong sabihin, Desiree." Harley reached for her and kissed her passionately on the lips. Desiree quickly pulled away. "Harley, ano ba?! Hindi ko masabi yung surprise ko kung ganyan ka nang ganyan. Napag-usapan na natin 'yan." She took a step back from him. "Okay, okay," Harley said, adjusting his posture and sitting up straight. "Ano ba talaga yung surprise mo?" A sweet smile spread across Desiree's face. "Simula sa Lunes, may work na ako..." she declared, her eyes locked on his, waiting for his reaction. "Sorpresa nga 'yan," Harley said, a smile slowly forming on his lips. Dimples appeared on both cheeks, making him even more handsome. "Pero hindi mo sinabi sa'kin na nag-apply ka ng trabaho, ah?" "Talaga, sinadya kong hindi sabihin. At alam mo ba kung saan ako nag-apply at natanggap agad ako?" Harley pretended to think, clearly just stalling. "Hmmm, spill na." "Sa Hayes Company! Natanggap ako bilang secretary-clerk sa personnel," she said excitedly, not noticing the surprise on Harley’s face. She thought he was shocked but also excited. "W-what? S-sa Hayes Company?" "Yup," she continued. "Nagpa-advertise sila noong isang linggo sa peryodiko, and I applied right away. Passed the qualifying exams with flying colors, ha!" Desiree’s voice was full of excitement and confidence. "Talagang sorpresa nga 'yan, Desiree," Harley said seriously, standing up. "Dapat sinabi mo sa'kin na balak mong mag-apply sa company na pinapasukan ko. Eh, sana hindi kita pinayagan." Desiree’s smile faded. She could see the irritation in his tone. "Harley," she said patiently. "Sa totoo lang, hindi ko kailangan ng permission mo para magtrabaho. Hindi pa naman tayo mag-asawa." "Pero hindi ba’t mahalaga ang pinagsamahan natin? Wala ba akong right na awatin ka sa mga gusto mong gawin?" He raised his voice. "Huh? Hindi ka ba natutuwang may trabaho na ako?" she asked, trying to hide the irritation in her voice. Her eyes followed every move Harley made as he walked back and forth. "Kaka-graduate mo lang nitong nakaraang linggo. Hindi mo kailangang madaliin magka-trabaho." "That is precisely my point, Harley. Naka-graduate na ako, so I deserve to find a job to support myself. Hindi yung aasa pa ako kay Tita Becca," she reasoned, referring to her late mother's sister, who had supported her through school. Ever since her parents passed away in an accident two years ago, Tita Becca had been her guardian. It was Tita Becca who suggested that Desiree go to Manila to finish her last two years of college to help her heal from the trauma of the accident. "But sana hindi sa Hayes Company ka nag-apply," Harley continued, his eyebrows furrowed in frustration. "Ano na lang ang sasabihin ng mga friends and officemates ko? Na hindi pa man ako napo-promote, pinapasok ko na agad yung girlfriend ko?" Desiree raised an eyebrow. Harley had been working at Hayes Company as a draftsman for over a year, hoping for a promotion to junior architect. "Bakit naman iisipin ng mga officemates mo 'yun?" she asked, confused. "Eh, hindi mo nga ako pinasok. I went through the normal hiring process naman. Walang kapit." "Natural lang na iisipin nila 'yun, kasi magkasintahan tayo," he said, still not making sense to Desiree. There was a brief silence before Harley spoke again. "Huwag kang pumasok doon, Desiree. Maghanap ka ng ibang trabaho sa ibang company. Sure ako tatanggapin ka kasi qualified ka. Maganda, matalino, and smart ka. Hindi ka mahihirapan makahanap ng ibang trabaho." "That is ridiculous, Harley," Desiree replied. "Bakit ko isasakripisyo ang kauna-unahang trabaho ko na pinaghirapan ko lang para sa isang hindi reasonable na dahilan mo? Bukod sa excitement ko na magkaka-trabaho na ako, the salary’s also good," she reasoned. Harley stared at her, as if assessing her. It took him a while to speak again, but eventually, he sat back down beside her. "Talaga bang hindi kita maaawat sa trabahong 'yan?" "Bigyan mo ako ng mabigat na dahilan para hindi pumasok sa Lunes," Desiree said, her voice full of determination. Harley sighed deeply. "O, sige na. Sumasang-ayon na akong pumasok ka sa Hayes Company," he said, looking at her. Umikot ng mga mata ni Desiree at gustong sabihin dito sa ikalawang pagkakataon na hindi niya hinihingi ang permiso nito sa pagpasok sa bagong trabaho. But she kept silent. "Pero hihilingin ko sa iyo na hindi tayo sabay papasok o kahit sa pag-uwi. Gusto kong isipin ng mga taga-opisina na sa Hayes Company lang tayo nagkakilala at naging magkasintahan sa kalaunan," kalmante nang sabi nito. Bagaman naguguluhan ay tumango ang dalaga. "K-kung... kung 'yan ang gusto mo," Hindi maintindihan ni Desiree ang reason ng binata pero hinayaan na niyang matapos ang topic na iyon. Ngumiti si Harley at muli siyang inakbayan. "Puwede na siguro nating ituloy ang naudlot nating lambing session." At bago pa nakakilos si Desiree ay muli siyang siniil ng halik ni Harley sa mga labi. Kumawala siya mula rito. "H-harley, nasa itaas si Hanshen," sabi niyang ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid ni Harley. "Oh, eh ano?" kibit-balikat nitong sagot at kinabig siyang muli payakap. "Alam naman ng kapatid kong magkasintahan tayo." He murmured as he continued kissing her. Hindi na kumibo si Desiree at nagpaubaya sa ginagawang paghalik ng kasintahan sa mukha at leeg niya. Pero ang isip ay nasa dalagitang kapatid nito sa itaas na maaaring bumaba anumang oras. Apat ang silid sa malaki at lumang bahay na iyon na malapit sa University of Santo Tomas. Tatlo sa itaas na ang isa ay okupado na rin ng magulang ni Harley na parehong mga empleyado sa gobyerno. Ang isa ay sa dalawang kapatid nitong babae na pareho pang nagsisipag-aral. Ang isa pa ay apat silang umuukopa bilang mga boarders. At sa silid sa ibaba ay okupado ni Harley. Walong buwan na ang nakalipas nang umalis siya sa inuupahang boarding house sa Makati at lumipat sa boarding house ng mga magulang ni Harley. Hindi niya gusto ang mga kasama sa dating boarding house dahil magugulo at maiingay ang mga ito at nawawalan na siya ng privacy. At least, dito ay limitado sa apat lamang ang tinatanggap na boarders ng mga magulang ng kasintahan. Katamtaman ang laki ng silid na may dalawang double deck. Dito sila nagkakilala ni Harley at naging magkasintahan. Tinanggap niya ang pag-ibig nito sa dinami-dami ng nanliligaw sa kanya. At wala naman sana siyang maipipintas sa relasyon nilang dalawa maliban sa laging pangungulit ng binata na higitan pa nito ang karaniwang yakapan at halikan. Hindi naman siya anti-s****l o di kaya ay makaluma, pero hindi niya magawang sumang-ayon sa lagi nang inuungot ng kasintahan. She hated the idea of driving through motel just to have s*x. At umalis na lang pagkatapos ng dalawang oras o mahigit pa. For her it was so unromantic. Para bang kaya lang kayo nagpunta sa 'lugar' na iyon ay upang bigyang kasiyahan ang pangangailangan sa laman. She wanted s*x to come naturally... not intentionally. At natutukso na nga siya ng mga kasamahan na hindi raw siya napapag-init ni Albert. Tinatawanan lamang niya ang mga ito. Naputol siya sa pagmumuni-muni nang kumawala si Harley mula sa pagkakayakap sa kanya. "Ano ka ba naman, Desiree! Talo mo pa ang statue. Ni hindi ka gumaganti ng halik. Lagi ka na lang ganyan." Iritadong sita nito sa kanya. "Eh, kasi naman ikaw. Wala ka sa lugar. Paano kung bumaba ang kapatid mo? Kahit ba alam niyang mag-jowa tayo, nakakahiya pa ring mababaan tayo sa ganitong sitwasyon. Kinse anyos lang si Hanshen." katwiran niya na ikinangiwi rin niya nang lihim. Kinse lang ang bunsong kapatid ni Hanshen pero ilang beses na niya itong nahuhuling nakikipag-necking sa boyfriend kung nasa opisina pa ang mga magulang at kapatid ng dalagita. Hinawakan siya ng binata sa braso at hinila patayo. "Kung ganoon ay tara sa kwarto ko para hindi ka nag-aalalang maabutan tayo ni Hanshen." "A-ayoko, Harley. Alam mo namang hindi pa ako handa sa premarital affairs..." Nagsalubong ang mga kilay ni Harley. "Kailan ka ba naman magiging handa roon, Desiree? Lagi ka na lang tumatanggi at nagdadahilan. Minsan tuloy ay naiisip kong wala kang pagmamahal sa akin sa ginagawa mo." Pomormal si Desiree. Replay na iyon ng mga nakaraang pagtatalo nila ni Harley sa bagay na iyon. At isa sa mga ikinaiirita niya. Bakit ba laging idinadahilan ng mga lalaki ang pag-ibig para makuha ang gusto? "Hindi s*x ang sukatan ng pag-ibig para sa akin, Harley. Magpakasal tayo at magagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin sa akin." Bigla siyang nag-isip sa sinabing iyon. Handa na nga ba siya sa pag-aasawa? Pero saan ba naman pupunta ang pagiging magkasintahan kundi pag-aasawa? "Bente singko pa lang ako at at bente dos ka naman," ani Harley, "Bakit hindi natin samantalahin ang ating kabataan while we still can, Desiree?" "Meaning, basta na lang ako papayag na makipag-s*x sa iyo dahil boyfriend kita at dahil sabi mo iyon ang ginagawa ng iba?" Nagkibit-balikat si Harley bilang pagsang-ayon. "At pag dumating sa puntong nagkagalit tayo at nag-break, sorry na lang ako, ganoon ba?" she said drily. At idinagdag "And again, I'll find myself another boyfriend and have s*x with him again and so on and on... until I get pregnant nang walang asawa?" Nairitang sumingasing ang binata. "Kung saan-saang planeta na napunta ang mga sinabi mo. At bakit naman tayo magbi-break?" "We can never tell, Harley. Sabi mo nga ay mga bata pa tayo at aminin man natin o hindi ay may mga incompatibilities, Ngayon pa nga lang ay malimit na tayong magtalo. Anyway, wala ka bang balak na pakasalan ako at ini-insist mong mag-enjoy tayo habang mga bata pa?" Naghahamon ang tono niyang humarap dito. "Siyempre, mayroon," naging napakaagap ng sagot nito. "Pero alam mong hindi pa ako handa roon. Magkano lang ba ang sinasahod ko sa Hayes Company." Inikot nito ang paningin sa buong kabahayan. "Gusto ko, kapag nag-asawa ako ay hindi ako rito titira. I'm sick and tired of this rotten place, Desiree. Buong buhay ko ay dito na ako. Dito ipinanganak, dito nagkaisip at dito lumaki." Kapag nag-asawa ako... Ako? Bakit hindi 'tayo' ang ginamit na salita ni Harley? Hindi ba dapat na kasama siya sa pangarap nito? Subalit agad ring inalis ni Desiree sa isip iyon. Sa halip ay may simpatiyang tinitigan ang kasintahan kahit na hindi niya maintindihan ang discontentment nito. Totoong hindi mayaman ang mga magulang nito ngunit hindi rin naman naghihirap. Hindi kaila sa kanya ang ambisyon ni Harley na magkabahay at matira sa isang malaking subdivision sa Quezon City o sa alin mang lugar sa labas ng Maynila. Alam din niya ang ambisyon nitong yumaman. Nagbuntong-hininga siya. Tumayo at mabilis na nakahakbang patungo sa hagdan bago pa siya napigilan ng binata. "Hey, hindi pa tayo tapos mag-usap." "Tama lang na iwasan ko ang gusto mong mangyari, my dear, Harley," nakangiting niyuko niya ito nang nasa gitna na siya ng hagdan. "Dahil kapag nabuntis mo ako ay lalo nang mauudlot ang ambisyon mong yumaman at malayo sa lugar na ito." Kinindatan niya ito bago siya nagpatuloy sa pagpanhik. Narinig pa niya ang pagmumura ng kasintahan pero hindi na niya ito pinansin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook